Thursday, February 3, 2022

Ryan Bang at Yeng Nagpalitan ng Heartwarming Tweets Pagkatapos ng Closure

Views
Larawan mula sa It’s Showtime

Hindi alam ng karamihan na mataintim pala na nagmamahal kay Yeng si Ryan Bang at sa katunayan ay niligawan pala ito ni Ryan noong taong 2010, makalipas ang labing dalawang taon ay may hindi inaasahang closure ang dalawa on-air at masasabing “Totga” ni Yeng si Ryan o “The One That Got Away.” 

Larawan mula sa It’s Showtime

Ibinunyag sa publiko ang naging panliligaw ni Ryan Bang sa sikat na singer/songwriter na si Yeng Constantino na ikinagulat ng mga netizens dahil wala talagang may alam kun’di  ang mga malalapit nilang kaibigan, pero nawakasan ang lihim na pagsinta ni Ryan kay Yeng nitong taong 2022, January 28-29, naibunyag ang lahat nang mabanggit ni Yeng ang pangalan ni Ryan habang siya ay nagkokomento sa kanyang karanasan sa pag-ibig sa isang kalahok sa isang segment na Tawag ng Tanghalan sa programang It’s Showtime. 

Larawan mula sa It’s Showtime

Kwento ni Yeng ay kinikilig naman siya na hindi alam ni Ryan noong panahong nililigawan ito ni Ryan at hinahatiran pa ng kape, pero ang ang malungkot na part ay bigla na lang daw hindi nagparamdam si Ryan noon at ipinaliwanag din ni Yeng na noong biglang hindi nagparamdam si Ryan ay hindi naman niya ito binasted at si Ryan ang kusang hindi nagparamdam. 

“Minsan kahit hindi mo nga naging jowa eh basta nagparamdam na sa ‘yo tapos biglang nawala. Naku! Napakasakit talaga, ‘di ba Ryan? Hindi kita binasted noon. Tumigil na lang siya magpadala ng kape. Feeling ko maswerte ang magiging jowa nito kasi napakalambing talaga,” nakangiting kwento ni Yeng.

Larawan mula sa It’s Showtime

Nang marinig ni Ryan ang ibinahaging kwento at komento ni Yeng at kung bakit siya biglang hindi nagparamdam ay nagkaroon ng pagkakataon na magpaliwag si Ryan Bang kung ano talaga ang nangyari ang bakit nahinto ang panliligaw niya kay Yeang.

Ang sinabi na ito ni Ryan ay ikinalungkot ng mga netizens dahil sa kawalan ni Ryan ng tiwala sa sarili dulot ng kawalan nito ng pera dati at nanliliit daw siya sa kanyang sarili knowing na sikat si Yeng at marami ring nagkakagusto at nanliligaw sa kanya samantalang siya ay di pa hustong kilala. 

Larawan mula sa IG ni Ryan Bang

“Akala ko ayaw mo sa akin. Kasi noong panahon na ‘yon gumigimik kami, kasama ko sina James Reid. Siyempre lumalabas ako tuwing gabi. Inaaya ko siya, ilang beses. Tuwing inaaya ko siya tuwing gabi, hindi siya lumalabas. Kaya akala ko ayaw niya sa akin tapos sumasama kay Richard Poon, sa ibang lalaki. ‘Yon pala prayer meeting sa Tagaytay. Akala ko nag-outing sila,” masayang kwento naman ni Ryan.

“Yeng pasensya na, dapat pala nagpaalam ako, nagtanong ako sa ‘yo. Noong nanligaw ako, galing naman talaga sa puso ko ‘yon. Ikaw ‘yung pinaka-unang-unang crush ko sa buong buhay ko, ikaw ‘yon,” pagtatapat ni Ryan.

Larawan mula sa It’s Showtime

 Dahil sa pagkomento ni Yeng sa kanyang karanasan sa panliligaw ni Ryan at pagkatapos ng labing dalawang taon naliwanagan din si Yeng kung bakit biglang hindi na nagparamdam si Ryan dati at nagkaroon na rin sila sa wakas ng closure sa mga nangyari noon at sa katunayan ay nag-trending pa ang romantic history ng dalawa at hindi maitatangging maraming netizens ang nanghinayang sa naudlot nilang love story.

Pagkatapos nilang mag-trending ay kumakalat namang ngayon sa socmed ang palitan ng Tweet ni Ryan at Yeng na talaga namang heartwarming. 

Larawan mula sa It’s Showtime

“Ryan, ‘Ayan ah. Venti na hindi na yung grande.’ Hahahahha!!!!! Thanks Ryan! @ryanbang”, ang naging pagbabahagi nga ni Yeng kalakip ang larawan nila ni Ryan.

Sa tweet na ‘yan ni Yeng ay ipinapakita na hindi na nga grande ang kayang bilhin sa kanya ni Ryan kundi kahit Venti na. 

“Kaya ko na ngayon ang Venti size hehe bawi ako sayo dinner tayo soon! Always keep safe Yeng!”. 

Sinagot naman ito ni Ryan at nag-aya pa ng dinner at hindi naman ito tinanggihan ni Yeng dahil sa kanyang tweet sinabi ni Yeng na “Game ako dyan! Stay dafe din Ryan!” 

Loading...

Share this article to your social account.

0 comments:

Post a Comment