Saturday, February 26, 2022

Hinihinalang Zombie sa Bukidnon Inatake at Pinagkakagat ang Isang Lalaki

Views

Screenshot mula sa Tiktok ni Rogdoll_23

Talaga namang usong-uso ngayon ang mga palabas na kung saan nagiging zombie ang mga tao dahil sa kumakalat v!rus at ginagawang host ng mga ito ang ating mga healthy cells para dumami at tuluyang ma-control ang ating katawan at tila ang nasa isip lang ay umataki at mangagat ng taong hindi pa infected ng v!rus. 

Kaya naman patok na patok ito sa mga manonood dahil na rin sa kakaibang suspense ang binibigay nito para sa manonood kung paano sila makakaiwas sa mga taong naging zombie at paano sila makaka-survive at sa katunayan dahil sa sobrang sikat at patok ang zombie na genre ng isang pelikula ay madalas ngayon ay hindi na sapat ang isang pelikula para gawing zombie na movie dahil masyadong bitin kaya naman ang ginagawa na nila ngayon at uso ay ang series na zombie dahil dito ay masmahaba at mapapanood mo ito ng matagalan at hindi gaya ng pelikula na halos dalawang oras lamang kaya naman bitin na bitim at kailangan mo pang maghintay ng ilang taon para magkaroon ng part II. 

Kaya naman usap-usapan ngayon ang isang bidyo na kumakalat sa socmed na kung saan isang lalaki ang di umano’y inatake ng pinaghihinalaang zombie o di kaya’y aswang kung sa tagalog version. Dahil nga usong-uso ito ngayon kaya naman agad itong binigyang pansin ng mga netizens at narito ang kwento ng naturang biktima. 

Screenshot mula sa Tiktok ni Rogdoll_23

Alas onse ng gabi raw nangyari ang lahat dahil pagtatanim daw ang trabaho ni kuya at nagtatanim siya ng gulay na pechay pagkatapos raw niya magtanim ay naligo muna siya ng sapa at nagpahinga sa kanyang parkubo na kurtina lang ang harang at bahagyang nakatulog ay di niya namalayang ginabi na pala siya sa kanyang kubo. 

Nang inabot na siya ng dilim ay nagising siya dahil may tumatawag sa kanyang pangalan at agad naman siyang nagising at lumabas at napansin niyang gabi na pala at maliwanag ang buwan dahil full moon daw noong mga oras na ‘yon at kitang kita raw niya ang isang lalaki na tinatawag ang pangalan niya at ilang metro lang daw layo nito sa kanya mga limang metro. 

Nakita raw niya ang isang lalaki na namumula raw ang mata at napakatapang ng mukha at dahil sa takot ay nanginginig siya nang makita niya ang hinihinalang zombie, bigla na raw tumakbo papunta sa kanya at tumakbo rin naman si kuya ngunit naabutan niya ito at napahiga si kuya at nakadagan sa kanya ang zombie at sabi pa ng zombie kay kuya “kaunun nako imong mata” kakainin daw nito ang mata ni kuya pero hinaharang daw ni kuya ang kanyang mga kamay.

Habang ginagamit daw ng ni kuya ang kanyang mga kamay ay pinagkakagat daw nito ang kanyang mga kamay at pati sa leeg ay binalak niyang kagatin ito kaya naman puno at nagkasugat-sugat ang mga kamay at leeg ni kuya. 

Screenshot mula sa Tiktok ni Rogdoll_23

Grabe raw ang lakas ng zombie na parang bang tatlong lalaki ang lakas nito at dahil daw sa takot at nerbyos ay nahihirapan daw si kuya maglaban at sa tuwing nakakatakbo raw si kuya ay natutumba ulit dala ng panginginig niya sa takot at nang nakatayo siya at nakatakbo at nang umabot sa tulay ay nadapa na naman daw ito dala ng takot niya kaya naman naabutan ulit siya ng zombie. 

At nang inabutan niya si kuya ay dinaganan naman ito at sumigaw daw ng malakas si kuya ng tulong at grabe raw ang kanyang sigaw para lang may makarinig sa kanya dahil malayo raw ang kalapit bahay pa kaya naman nakagat pa sa likod ng tenga si kuya.

Pinagkakagat daw muli ang kanyang mga kamay kaya naman napuno ito ng mga sugat sa mga oras na iyon ay tinangap na raw ni kuya na katapusan na niya dahil hindi na siya namamag-asa na may tumulong pa sa kanya kaya naman sa mga oras na yun ay hinimatay na si kuya at ilang sandali ay nagising siya at nakita niya na dinidilaan ng zombie ang kanyang dugo sa kanyang mga kamay na may mga sugat.

Dahil busy sa kakadila ng dugo ang zombie ay nagawang suntukin ni kuya ang mga mata ng zombie kaya naman nagawa niyang makatakbo ulit at dagdag pa ni kuya dahil sinabi ng interviewer na nakita niya na ang pinangyarihan ay hindi pa umabot sa tulay at nagpaliwanag naman si kuya na malapit lang talaga sa tulay ang pinangyarihan at nang tanungin ulit siya na sa tingin niya ilang minuto siya nawalan ng malay ay paliwanag niya ay walang pa raw atang 2 minutes dahil nagising ulit siya dahil naramdaman niya yung pagdila-dila sa kanya ng zombie.

Wala raw damit ang zombie dagdag pa ni kuya kaya madulas ito at wala siyang makapitan sa katawan nito kaya nahihirapan siyang maglaban at napakalansa pa raw ng amoy niya at napakabaho kaya naman dagdag pa ito sa hirap ng kanyang panglalaban na di siya makahinga ng maayos. Pero sa pagkakataong nasuntok ni kuya ang mata ng zombie ay doon na siya nakakuha ng pagkakataong makatakas. Panoorin ang interview sa kanya at sa Bukidnon ito nangyari.





Loading...

Share this article to your social account.

0 comments:

Post a Comment