Friday, February 25, 2022

Soup No. 5 Review ni Kara David Kinaaliwan ng Netizens Dahil sa Reaksyon ni Kara

Views

Screenshot mula sa Tiktok ni Kara David

Isa sa pinakasikat na news anchor, host at writer ngayon ay si Kara David. Sa dami rami ba naman ng kanyang documentaries na sinabak at talaga namang magkakaroon siya ng mga awards na hindi lahat ng mga news anchor ay kayang ma-achieve. Siya rin ay naging host powerhouse at kasalukuyan ay host ng Brigada at Pinas Sarap.

Hindi lang yon dahil ayaw rin magpahuli sa uso si Kara David at para mapasaya niya ang kanyang mga fans at lalo pa siyang makilala ng lubos ay may YT channel din siya at pati Tiktok syempre meron din siya, at ang nakakatuwa pa rito ay hindi tayo bibitinin sa mga knowledge na matututunan sa kanyang mga social accouunts.

Screenshot mula sa Tiktok ni Kara David

Screenshot mula sa Tiktok ni Kara David

Dahil ang kanyang hilig na mga contents ay yung tipong bubusugin ka sa mga kaalaman kaya naman nakakatalino ang kanyang mga contents sa kanyang mga social accounts, at hindi lang ‘yan isa rin siyang college professor sa University of the Philippines-Diliman kaya naman kung gusto mong masmarami pang knowledge na gusto malaman ay ang mga social media accounts niya ang dapat mong i-follow.

Sobrang naaliw naman ang mga netizens sa ginawa niyang review sa kanyang Tiktok na kung saan kanyang ipinaliwanag at kanyang ipinakilala sa mga netizens kung ano ang soup no. 5 na habang nagsasagawa siya ng review at tinitikman ang naturang pagkain ay talaga namang kinaaliwan ng mga manonood dahil sa reaksyon niya at kung paano niya ito i-review kaya maman umani ito ng napakaraming views at comments na umabot pa sa mahigit isang milyon na views ang naturang bidyo sa tiktok.

Full Episode

Loading...

Share this article to your social account.

0 comments:

Post a Comment