Saturday, March 12, 2022

Bahay ni Kakai Bautista Mapapa-wow ka Dahil may Pa-voice Command Hightech Yarn

Views

Larawan mula sa YT ni Kakai Bautista

Ang isang pagiging komedyante ay isa sa pinakamahalagang role sa mga artista, ito kasi ang masasabing pinakamahirap gampanan bilang isang artista, dahil kung mahirap umiyak sa harap ng kamera ay di hamak na masmahirap magpatawa ng mga tao sa sarili mong pamamaraan na hindi makakasakit ng kapwa. 

Sabihin na natin sa madaling salita, ay may mga komedyante talaga na gumagamit ng ibang tao o nanlalait, o pagtripan ang ibang tao na gagawing katatawanan o magpahiya ng ibang tao para lang makapagpasaya ito yung mga komedyante na common ang mga rare na na komedyante ay yung kayang magpatawa na hindi nanlalait ng iba sa halip ginagawa pang katatawanan ang sarili para lang makapatawa.

Larawan mula sa YT ni Kakai Bautista

Larawan mula sa YT ni Kakai Bautista

Isa na siguro si Kakai Bautista sa mga komedyante na natural at hindi gumagamit o nanlalait ng iba para lang makapagpatawa kaya naman mapahanggang ngayon ay hindi pa rin siya nalalaos at sa katunayan pag naririnig mo ang pangalan niya ay good vibes lang ang mararamdaman mo na alam mong komedyante ito at good vibes lang ang mga palabas at talaga namag kahit supporting role lang ang kadalasang ganap niya ay di hamak na marami siyang naging projects o movies na kung saan nakasama siya kumpara sa ilang leading actors o actresses.

Dahil naman sa nakaka-good vibes ang presence niya sa isang pelikula ay talaga namang pumapatok ang mga pelikula na kung saan isa siya sa mga cast ntio at dahil na rin sa pagiging kwela at down-to-earth niya ay madalas mayroon siya role sa isang pelikula kaya naman hindi maitatangging sikat pa rin siya. 

Sa tagal na rin niya sa industriya ay mayroon na rin siyang napagawang bahay para sa kanya at sa kanyang pamilya kaya naman request na kanyang mga fans at YT subscribers gumawa siya ng house tour kaya naman dahil sa mahal na mahal ni Kakai ang kanyang mga fans, narito ang kanyang house tour. 

 

Loading...

Share this article to your social account.

0 comments:

Post a Comment