Saturday, March 12, 2022

Kuya Jobert Minulto sa Kanyang Bahay sa Canada Nakakapanindig Balahibo

Views

Larawan mula sa YT channel ni Kuya Jobert

Hindi na bago sa’tin ang ang mga kwentong nakakatakot at hindi na rin bago sa’tin ang mga kwentong tungkol sa mga multo at sa katunayan marami sating mga pilipino ang naniniwala sa multo lalo na ang mga nakatira sa probinsya na talamak ang mga ganitong usapin at kwento. 

Kahit nakakatakot ang mga ganitong usapain nakaugalian na natin na kahit nakakatakot ay gustung-gusto nating nakakarinig ng ganitong klaseng kwento, mga kwentong kababalaghan kaya naman kahit sa mga pelikula ay pumapatok ang ganitong uring tema.

Larawan mula sa YT channel ni Kuya Jobert

Alam niyo ba na minsan na ring nakaranas si kuya Jobert ng kababalaghan sa kanyang bahay sa Canada? Knowing kuya Jobert sabi ng ng mga netizens ay hindi gumagawa ng ganitong vlog para lang tangkilikin ang kanyang YT channel dahil malayo sa kanyang personalidad ang gumawa ng vlog na peke para lamang maghakot ng views. 

Sa isang vlog ni kuya Jobert habang gumagawa ng kanyang content sa kanyang YT channel ay bigla na lang napahinto si kuya Jobert sa kanyang ginagawa, ang paksa kasi ni kuya Jobert sa kanyang vlog ay ang magluto, mapapansin kasi na mahilig magluto si kuya Jobert at madalas ito rin ang kanyang content sa kanyang vlog at alam ng kanyang manonood na mag-isa lang talaga siya doon sa kanyang bahay. 

Larawan mula sa YT channel ni Kuya Jobert

Habang gumagawa ng vlog si kuya Jobert at nagluluto ito, habang pinapakita ang mga sangkap ng kanyang niluluto ay bahagyang parang may umusog sa paper towel sa ibabaw ng mesa kaya naman nagulat si kuya Jobert at multo agad ang kanyang naisip, narito ang naturang bidyo. 


Loading...

Share this article to your social account.

0 comments:

Post a Comment