Saturday, April 23, 2022

Actual video ng reaction ni Herlene Budol matapos makapasok sa BB. Pilipinas kinaaliwan

Views

 

Larawan: Herlene Nicole Budol 

Kanina lang ng mag-viral sa social media ang tila magandang balita lalo na sa mga fans ni Herlene Budol “aka” Sexy Hipon.

Si Sexy Hipon ay matatandaang sumikat matapos sumali noon sa Wowowin na kung saan ay sumikat talaga siya ng tondo dahil sa mga aksyon niyang natural at totoo kahit pa tinatawag niya ang kanyang sarili na squammy girl.

Larawan: Herlene Nicole Budol 

Isa si Herlene sa nagpatunay na talaga namang wala sa pamamaraan ng galaw o pananalita masusukat kung ano ang totoong na sa puso ng tao, bagkus puso pa rin ang pinararamdam niya lalo sa kanyang mga fans kahit squammy nga ang kanyang salitaan.

Larawan: Herlene Nicole Budol 

Matapos mawala sa Wowowin si Herlene ay nag-vlog na lang ito’t naging manager din si Wilbert Tolentino na dating naging manager din ni Mader Sitang na isang Thai, at siyang manager din ni Madam Inutz ngayon.

Larawan: Herlene Nicole Budol 

Mga ilang araw bago maganap nga itong screening ng Bb.Pilipinas ay inanunsyon ni Herlene na isa raw siya sa sasabak at makikipagsapalaran doon upang matupad pa ang kanyang pangarap.

Larawan: Herlene Nicole Budol 

‘Di maipagkakaila na talaga namang sobra na ang sikat ni Herlene kaya’t pati mga kapwa niya kandidata ay ‘di napigilang pumalakpak noong siya’y tinawag na pasok sa Bb. Pilipinas.

Labis ang tuwa ng mga fans ni Herlene dahil halos ‘di na rin ito nakarampa noong siya’y inannounce na pasok dahil sa sobrang tuwa.

Larawan: Herlene Nicole Budol 

Hiling pa ni Herlene sa mga fans:

Hi mga Hiponatics! eto pala ang aking headshot Pic. Today na ang submission ng requirements sa Binibining Pilipinas. Out of 100 applicants 40 lang daw ang kukunin. Sana ipag pray nyo ako na isa ako sa mapili mga KaSquammy, Kabudol, KaHipon, Kainutz at KaFreshness family. ikaw na bahala sa akin lord and lets hope for the best. Salamat sa aking Manager Wilbert Tolentino sa mga advices at para sa aking karera at kay ate Madam inutz sa pag mamahal at Supporta sa akin. Ang aking KF Family headed by Rodin Gilbert B.flores. love u all po. 🙏❤️

Larawan: Herlene Nicole Budol 

Ngunit sa kagandahang balita ay hindi nabigo si Herlene, isa sa nakapasok si Herlene sa top 40 na kukunin lang sa kanilang 100 na mga kandidata.

Pagpapasalamat ni Herlene:

Larawan: Herlene Nicole Budol 

Larawan: Herlene Nicole Budol 

Labis ang pasasalamat ni Hipon at nangakong gagawin ang lahat-lahat na makakaya dahil nabigyan na siya ulit ng oportunidad lalo pa’t hindi basta-basta ang Bb. Pilipinas kaya talagang isa na ito sa masasabi niyang achievement pa na nadagdag sa buhay niya.

Loading...

Share this article to your social account.

0 comments:

Post a Comment