Saturday, April 23, 2022

Herlene Budol Hipon Girl Nabidyuhan ng Netizen Hinangaan ang Kagandahan

Views

Larawan mula sa Tiktok ni Mara

Talaga namang usap-usapan ngayon si Herlene Nicole Budol o maskilalang Hipon Girl dahil sa transformation nito at sa kanyang tinatagong kagandahan na ngayo’y nasilayan ng mga netizens. 

Matatandaang nakilala ang galing sa pagpapatawa at pag-ho-host ni Hipon Girl nang minsay nasali siya sa isang segment ng Wowowin na Willie of Fortune, dito nakilala at napansin ng host na si Kuya Will ang talento ni Hipon Girl hindi lang sa pagpapatawa kundi pati na rin sa pag-ho-host. 

Simula noon nang mapansin ni Kuya Will ang husay ni Hipon Girl sa pag-ho-host ay nagpasya na si Kuya Will na kunin na si Hipon Girl bilang isang regular host sa kanyang show na Wowowin dito na rin nag simulang makilala ng mga netizens at viewers si Hipon Girl. 

Larawan mula sa Tiktok ni Mara


Ang unang TV drama appearance ni Hipon Girl ay sa Magpakailanman na kung saan may title itong “Yaya, Duba and I” na kung saan ginampanan niya ang role ni Jenny at sa episode na rin na ito ay tinalo niya ang rival niya sa Kapamilya na MMK. Si Hipon Girl din ay title holder of "Binibining Angono in Sining" noong 2017.

Ngayong tinanggap niya ang hamon na sumali sa BB. Pilipinas 2022 marami siyang napahanga dahil sa biglaang pagkawala ng kanyang awra bilang komedyante dahil sa mala-latina niyang ganda at sa katunayan viral na viral ang kanyang mga bagong larawan sa kanyang social media accounts.

Larawan mula sa Tiktok ni Mara

Magandang balita rin para sa kanyang mga fans ang pagkapasado niya sa screening ng BB. Pilipinas 2022 at isa na nga siya sa mga napiling kalahok. 

Viral din ang isang bidyo na kung saan nakuhanan siya ng bidyo ng isang netizen na habang nakasakay ang netizen sa kotse ay humanga siya sa ganda ni Hipon Girl at hindi napgilang kuhanan ito ng bidyo. 



Loading...

Share this article to your social account.

0 comments:

Post a Comment