Sunday, April 17, 2022

Alamin ang Nakakagulat na Kayamanan ng Dating Actress na si Andi Eigenman

Views

 

Photo: Andi Eigenman IG

Kamakailan ng maging usap-usapan nanaman sa social media ang dating actress na si Andi Eigenman na kung saan ay malalaman daw ang angking yaman nito kaya’t ‘di na bumalik ito sa showbiz.

Ngunit kilalanin muna natin ulit si Andi Eigenman, alam naman natin na si Andi ay anak ni Jaclyn Jose na talaga namang ‘di mo maitatanggi na sa kanyang ina namana ang galing o husay din niya sa pag-arte.

Photo: Andi Eigenman IG

Si Andi ay napasama rin sa reality show na PBB o Pinoy Big Brother ng ABS-CBN na kung saan matapos ‘yun ay talagang nagdire-diretso na ang kanyang magandang career sa showbiz.

Photo: Andi Eigenman IG

Isa nga raw ang PBB sa nagbigay ng oportunidad upang maipakita at mas mahasa siya sa pag-arte gaya ng magaling na actress niyang ina na si Jaclyn Jose.

Karamihan nga sa ginanapan na bida ni Andi Eigenman sa kanyang mga naging teleserye ay talaga namang naging-top rating isa na rito ang talagang napasikat niyang Aqua Bendita.

Photo: Andi Eigenman IG

Hindi nga raw maitatanggi na talagang sobra ang laki ng kinikita ni Andi noon dahil hindi lang teleserye ang kanyang pinagkakaabalahan noon kundi pati mga movie rin na kung saan ay sinasabing mas malaki ang kinikita rito kumpara sa teleserye lalo na raw kung ito’y box office hit pa ang pelikula.

Photo: Andi Eigenman IG

Naging-endorser din si Andi Eigenman ng mga kilalang mga produkto dahil talaga naman kasing ‘di maitatanggi ang ganda ni Andi kaya’t marami ang kumukuha sa kanya.

Photo: Andi Eigenman IG

Nakapagpundar nga raw si Andi Eigenman ng mga properties at kanyang sasakyan na Nissan Terra at nakapagpatayo na raw si Andi sa Siargao ng kanilang dream house ni Philmar.

Photo: Andi Eigenman IG

Maliban pa nga jaan ay may mga paupahan pa raw na pinapagawa si Andi Eigenman na kanya namang tila magiging-business.

Sa ngayon ay naninirahan si Andi at asawa niyang si Philmar kasama ang kanilang mga anak, at talaga namang makikita  talaga ngayon ang totoong kaligayahan ni Andi sa pamumuhay niya ngayon doon.

Loading...

Share this article to your social account.

0 comments:

Post a Comment