Monday, April 18, 2022

Babaeng Kumita ng Mahigit 10M Pesos Dahil sa Pabebenta ng Kanyang Utot Talagang Hinangaan ng mga Netizens

Views
Larawan mula sa IG ni Stephanie Matto


Pagdating sa hanap-buhay dapat pinag-iisipan ng mabuti dahil kung hindi ay talaga namang maluluge ka at masasayang lamang ang puhunang inipon mo o inutang mo para lang makabuo ka ng sarili mong business. 

Aminin na nating napakahirap mag-isip ng mga bagong business ngayon lalo pa’t halos lahat ng puwedeng gawing business ay halos nagawa na ng iba kaya naman pahirapan ngayon kahit na may puhunan ka na. 

Isang Youtuber ang nakisip ng kakaibang business na dati’y ay katuwaan lamang niya pero ngayo’y ginawa na niyang business at talaga namang patok na patok ito sa kanyang mga subscribers.

Nakilala sa Stephanie o “Stepanka” Matto sa reality show na 90 Day Fiancé na ngayo’y isa ng ganap na Youtuber. 

Larawan mula sa IG ni Stephanie Matto


Sa edad na 31, ginulat ni Stepanka ang mga netizens nang minsa’y katuwaang binenta niya ang kanyang utot at sinabing "I always thought that was a complete joke," sabi pa niya, pero kalauna’y tinangkilik ng kanyang mga subscribers. 

Dahil sa ‘di inaasahang pagtangkilik sa kanyang utot nagpasya na siyang gawin itong full time na negosyo sabi pa niya  "Due to popular demand, I have finally decided to start selling my jarred farts."

Kahit sa una hindi kaaya-aya ang ganitong negosyo pero dahil sa kahilingan ng kanyang mga fans ay talagang sineryoso na niya ang pagbebenta ng kanyang utot. 

Sa hindi inaasahang pagkakataon kahit may kamahalan ang kanyang utot na sa halagang 1K na dolyar o 51k pesos ay naging mabenta ang kanyang utot na nakalagay pa sa garapon sa isang linggo pa lamang ng kanyang pagbebenta. 

Larawan mula sa Insider

Di rin niya inaasahang magiging sold out pa ang inipong utot niya na nakagarapon at mahigit 100 piraso na ang kanyang nabenta at sa katunayan ay kumita na siya ng mahigit 50k dolyar sa kanyang unang batch na mga utot, sabi pa niya kinakaya niyang umutot ng 97beses sa isang araw. 

Sa pangalawang batch naman ng kanyang inipong utot ay tumaas na ang halaga nito at naging 1k dolyar na at sa kabuoan ay nakapagbenta na siya ng mahigit 200k dolyar o nasa mahigit 10M pesos na utot na nakagarapon. 

Dahil sa curious ang kanyang mga fans kung ano ang kinakain niya dahil kinakaya niyang umutot ng ganon karami sa isang araw, hindi naman nag-atubili na sabihin ni Stepanka ang kanyang sekreto upang madalas siyang mautot. 

Ang kanyang kinakain ay itlog na nilaga, yogurt at beans, habang naghihintay na mautot siya, kanyang nakaugaliang magbasa ng libro hangang sa mautot siya. Narito ang iba pang detalye sa ututerang babaeng ‘to. 


Loading...

Share this article to your social account.

0 comments:

Post a Comment