Friday, April 29, 2022

Arnell Ignacio Ibinuking si Vice Ganda Mali raw ang Sinabi ni Vice Patungkol sa Franchise ng Kanyang Network

Views
Larawan mula sa Tiktok ni Arnell Ignacio

Hindi pinalagpas ng dating game show host na si Arnell Ignacio na ngayo’y active sa kanyang Tiktok account ang sinabi ng noontime show host ng It’s Showtime na si Vice Ganda dahil sa hindi raw tama ang kanyang sinabi patungkol sa prankisa ng Kapamilya network. 

Na-trigger kasi si Vice sa mga sinabi ng netizens na kaya lang naman iniindorso ni Vice ang iniindorso rin ng halos lahat ng mga artista sa pagkapangulo ay dahil sa pansiriling interes at isa na riyan ang pagkakaroon muli ng prangkisa ng Kapamilya network kung sakaling manalo ang kanilang sinusuportahang kandidato sa pagkapangulo. 

Larawan mula sa Tiktok ni Arnell Ignacio

Kaya naman sinagot ni Vice ang mga netizens na nagsasabing para lang sa pagkakaroon nila ng prangkisa kaya ‘yan ang iniindorso nila, sabi kasi ni Vice ay para sa bansa at kinabukasan ang dahilan nila kaya nila ito iniindorso at wala na raw silang hinahabol na prangkisa dahil nabenta na raw ito at ilang dekada pa ito hahawakan ng nakabili ng kanilang prangkisa at wala nang hahabulin diyan ang Kapamilya network at move on na kayo sa isyu na ‘yan. 

Larawan mula sa News5

Dahil din sa sinabi na ito ni Vice, hindi naman ito pinalampas ni Arnell Ignacio dahil sa mukhang iba ata ang pinagsasabi ni Vice para mapaniwala ang mga tao dahil hindi naman prangkisa ang ibinenta ng Kapamilya network kundi ang kanilang frequency, dahil ang prangkisa ay pwede ulit ito makuha kung napayagan ng congress at ang frequency naman ay ibinibigay ng NTC kapag may prangkisa na, in other words magpapalit lang sila ng channel kung sakaling napayagan silang magkaroon ulit ng prangkisa pahayag ni Arnell. Narito ang buong detalye panoorin lamang ang bidyo. 

Loading...

Share this article to your social account.

0 comments:

Post a Comment