Thursday, April 28, 2022

Toni Fowler, pinagpyestahan at inulan ng kumento ang ginawang challenge sa Tiktok na “Habibi Challenge”

Views

 

Larawan mula sa Tiktok ni Toni Fowler

Ilang oras pa lang ang nakakalipas matapos mag-viral sa social media amng tila post ni Toni Fowler sa kanyang Tiktok account na bidyo na kung saan ay sinubukan nito ang viral ngayong “Habibi Challenge”.

Ang Habibi Challenge ay ang challenge ng mga kababaihan ngayon sa Tiktok na kung saan ay magsusuot sila ng kumbong o hijab na gamit ng mga muslim na babae panakip ng kanilang mga buhok.

Larawan mula sa Tiktok ni Toni Fowler

Walang masamang pakay ang vlogger na si Toni na masama kundi gawin lang din ang nauuso nga na ‘yung challenge lang sa Tiktok.

Kuwento ni Toni ay bago siya sumabak sa pagpapalagay niya ng eye lashes ay ipinost niya ang bidyong ‘yun at kalaunay pag-check niya sa kanyang comments sa Tiktok ay puro pambabatikos na ang karamihan sa kumento roon.

Larawan mula sa Tiktok ni Toni Fowler

Ang mas kinagulat pa nga raw niya ay mga karamihan pa sa nag-react ay hindi naman muslim dahil sa ibang mga muslim ay wala naman pakiealam sa ginawang challenge ni Toni na ito.

Ngunit agad naman humingi ng pasensya ang vlogger dahil talagang hindi raw niya alam na may mao-offend daw na mga muslim o ibang tao sa ginawa niyang challenge na ‘yun.

Larawan mula sa Tiktok ni Toni Fowler

Pinost niya ang kanyang taus pusong paghingi ng pasensya sa kanyang Facebook account para raw mas lalong marami ang makakita dahil sa Tiktok ay kakaunti lang ang audience.

Base naman sa mga kumento ng ilang muslim sa bidyo ni Toni na humihingi siya ng paumanhin ay tinatanggap naman din nila ang paumanhin ni Toni ng taus din sa puso.

Larawan mula sa Tiktok ni Toni Fowler

Pinayuhan si Toni na wala naman talagang perpekto at lahat tayo ay nagkakamali, ang mahalaga ay tinanggap ni Toni ang kanyang pagkakamali at agad nga itong humingi ng paumanhin sa mga taong na-offend sa bidyo niyang ‘yun.

Sa ngayun ay na sa halos kalahating milyon na ang hearts nito sa Tiktok ang nasabing challenge nga na ginawa ni Toni Fowler.

Narito ang video:

Loading...

Share this article to your social account.

0 comments:

Post a Comment