Saturday, April 16, 2022

Mukha ni Ellowe Alviso Lalong Lumala at Nasira Ulit Pinagpraktisan daw ng Doktor

Views

Larawan mula sa YT ni Ellowe Alviso

 Natatandaan niyo pa ba si Ellowe Alviso na naging usapin at naging viral ang kanyang mga documentaries sa Kapamilya at maging sa Kapuso network, dahil sa kagustuhan niyang matulungan siya ng mga tao para maayos ang kanyang mukha ay naging laman siya ng mga documentaries sa ibat-ibang TV network. 

Taong 2015 nang maloko siya ng pekeng nurse na nagturok ng pinaghalo-halong petroleum jelly, wax, kandila at sealant sa kanyang ilong at baba para tumangos ang kanyang ilong at ma-enhance din ang kanyang baba at ito rin ang naging dahilan upang tuluyang masira ang mga tissue sa kanyang ilong at baba. 

Kaya naman nakaraan ang ilang taon ay halos wala nang maipakitang mukha si Ellowe Alvison na dati’y ay gustong maging modelo at maging artista at naging talent na rin siya daan upang magkaroon siya ng exposure sa TV dahil sa naging extra na rin siya. 

Pero gumuho lahat ng pangarap niya dahil sa kagustuhan niyang maging matangos at sa halagang 500 lamang ay pumayag siya na turukan siya ng chemical na hindi naman niya alam na pinaghalo-halo lamang na petroleum jelly, wax, kandila at sealant. 

Taong 2018 din ay nahatulan ng guilty ang tumurok sa kanya ngunit sa halagang mahigit 10,000 ay nakapagpiyansa rin ito kaya naman nakalaya rin ang pekeng nurse na nagturok sa kanya na si Euge Edward Undangan. 

Dahil sa kagustuhan ni Ellowe na gumaling, nagkaroon siya ng pag-asa nang ma-interview siya sa Kamapilya network show na Mission Impossible noong 2016 na kung saan host dito si Julius Babao at sa tulong ng TV host ay nagkaroon ng appointment si Ellowe sa isang clinic na magbibigay pag-asa sana sa kanya.

Di naman inaasahan ni Ellowe na ang tulong ni Julius Babao upang mabago ang kanyang buhay para bumalik sa normal ay maslalo pang lumala nang isagawa na ang kanyang mga 0perasyon, hindi kasi maganda ang nangyari kay Ellowe at ayon sa Facebook post ng kapatid niya ay pinagpraktisan lang daw ito at maslalo pang lumala ang sitwasyon niya. Narito ang buong detalye ng kwento. 

Larawan mula sa FB ni Ellowe Alviso

Larawan mula sa FB ni Ellowe Alviso

Larawan mula sa FB ni Ellowe Alviso



Loading...

Share this article to your social account.

0 comments:

Post a Comment