Saturday, April 16, 2022

Makagago may Ibinunyag sa Isyu Ngayon ni Skusta Clee at Zeinab Harake Scripted Lang daw Ito

Views

Larawan mula sa IG ni Skusta Clee at sa YT ni Makagago

 Sa latest vlog ngayon ni Makagago, kinuwestiyon niya ang mga isyu ngayon na kinakaharap ngayon nina Skusta Clee at Zeinab Harake, sa vlog niyang ito ay ipinapahiwatig niya sa mga netizens na ‘wag agad sakyan ang mga ginagawang isyu ng mga sikat na personalidad, gaya na lang ng mga vloggers. 

Dahil ayon kay Makagago natural lamang na gumawa ng mga isyu ang mga sikat na mga tao lalo na ang kagaya ni Skusta Clee at Zeinab dahil ito ang trabaho nila para mapanatiling sikat ang kanilang mga pangalan. 

Para kay Makagago malaking percentage na ang ginagawang mga isyu ng mag-partner na si Skusta Clee at Zeinab Harake ay scripted lamang, ayon pa kay Makagago bakit nga ba pag may upcoming music video si Skusta Clee ay may gagawin silang isyu. 

Larawan mula sa YT ni Makagago

Sinigurado naman ni Makagago na panigurado raw ay promotional lang daw ang ginagawang isyu nila Zeinab at Skusta na kung saan nagbura pa ng mga larawan ni Skusta Clee si Zeinab sa kanyang IG, hudyat raw ito na may upcoming music video si Skusta Clee. 

Naiintindihan naman daw ni Makagago ang ginagawa nila Zeinab Harake at Skusta Clee, although totoo naman na nakunan si Zeinab pero ang ibang isyu nila ay scripted dahil ang iilang milyung views lamang sa isang music video ay hindi sapat para mabawi ang nagastos sa production kaya raw kailangan ng isyu bago pa ilabas ang naturang MV. 

Dagdag pa ni Makagago pa-sarcasm niya sinabi na okay daw ang ginagawa nila Skusta Clee at Zeinab ipagpatuloy lang daw nila at nag-sorry na rin dahil nabulilyaso ang plano nila dahil sa mga sinabi ni Makagago, narito ang vlog ni Makagago para masmaintindihan pa ang ilang detalye sa kanyang mga sinabi. 

Loading...

Share this article to your social account.

0 comments:

Post a Comment