Monday, April 18, 2022

Mukhang Walkie Talkie na Palaging Dala ni Mona Alawi may Malaking Tulong Pala sa Kanya

Views

Larawan mula sa Tiktok ni Mona Alawi

 

Pinag-usapan ng mga netizens ang isang device na mukhang walkie talkie na palaging dala ng nakababatang kapatid ng sikat na sikat na vlogger na si Ivana Alawi na walang iba kundi si Mona Alawi, viral na viral kasi sa Tiktok ang kanyang bidyo na kung saan isang netizens ang nagtanong kung ano yung mukhang walkie talkie na palaging dala ni Mona Alawi. 

Sa mga hindi nakakaalam, sa murang edad ni Mona Alawi ay may diabetes na siya, at alam naman natin kung gaano kahirap magkaroon ng ganitong karamdaman dahil, kailangan ay kontrolado natin ang mga pagkaing ating kinakain lalo na kung mataas ang sugar level ng mga pagkain natin dahil kung hindi talaga ikakapahamak ito ng mga taong may diabetes. 

Larawan mula sa Tiktok ni Mona Alawi

Dahil sa mga makabagong technology ngayon may mga devices na rin na puwedeng matulungan ang mga taong may diabetes na makapagbigay sa kanila ng tamang insulin para ma-kontrol ang sugar level ng mga may diabetes sa kanilang katawan. 

Dahil sa device na ito na mayron si Mona Alawi na kung saan tinatawag ito ng Diabetes Insulin Pump, malaking tulong ito sa kanya upang mabigyan siya ng tamang insulin sa kanyang katawan na hindi na kailangang turok pa nang turok gamit ang injection. 

Larawan mula sa Tiktok ni Mona Alawi

Ang device kasi na ito na sing laki lamang ng cellphone ay hindi na kailangan pang iturok sa’yo ng ilang beses kapag kailangan mo ng insulin dahil, dala dala mo na ito at kapag naparami ang kain mo lalo na pag high carbs may feature din ito na tinatawag ng bolus na kung saan kapag naparami ang kain mo gagamitin mo ang feature na yun para makapagbigay ng dagdag insulin. 

Ito ang paliwanag ni Mona Alawi sa mga netizens na madalas nagtatanong kung bakit madalas may dala siyang walkie talkie, ang totoo ay isa pala itong insulin pump. Narito ang bidyo. 

Loading...

Share this article to your social account.

0 comments:

Post a Comment