Wednesday, April 27, 2022

Tempura Walk yan ang Aabangan at Masasaksihan ng mga Fans ni Nicole sa BB Pilipinas 2022

Views

Larawan mula sa Check Vidz Out YT Channel

 

Talaga namang kaabang-abang ang mga susunod na kaganapan sa BB. Pilipinas 2022 lalo na’t kaabang-abang ang mga gagawing performances ni Ms. Nicole Budol na alam naman natin na usap-usapan ngayon sa social media dahil sa kanyang transformation na from Hipon Girl na kwela to eleganting Miss Nicole Budol. 

Naging matunog kasi ang pangalan ni Hipon nang kumalat ang kanyang mga larawan na kung saan hinangaan talaga ng maraming nertizens ang kanyang kagandahan kapag siya’y inayusan at gumalaw bilang isang mahinhin na dalaga kaya naman sa pagsali niya sa BB. Pilipinas 2022 ay kanyang minamabuti na i-reflect ang pagiging mahinhin niya sa image niya bilang si Nicole at iwasan muna ang image niya bilang si Hipon na kinasanayan ng lahat. 

Larawan mula sa Check Vidz Out YT Channel

Larawan mula sa Check Vidz Out YT Channel


Dahan-dahan kasing iniiwasan muna ni Nicole na ipakita ang image ni Hipon at ipakita muna sa madla na kaya niya ring maging ugali ang isang beauty queen gamit ang kanyang tunay na pangalan na Nicole at i-set aside muna ang imahe niya bilang si Hipon girl na isang komedyante. 

Tanong ng mga netizens at kanyang mga fans, ano nga ba ang aabangan nila sa performance niya sa BB. Pilipinas? Sagot naman niya ay kanyang iniinsayo ang kanyang lakad sa stage na pinangalanang “Tempura walk” na hango din sa kanyang pagiging hipon at sa ngayon ay minamabuti niyang i-practice pa ito hanggang sa kanya nang ma-perfect at para may maipakita siyang talagang sarili niyang walk. 

Kitang kita naman sa interview kung gaano kasaya at ka-excited si Nicole sa mga upcoming activities niya sa BB. Pilipinas at walang halong pagsisisi at talagang makikita mi sa kanyang mga mata na gusto niya ang kanyang ginagawa at para na rin patunayan sa dating nagsabi sa kanya na masyadong mababa ang kanyang standards para maging qualified bilang isang beauty queen. 

Loading...

Share this article to your social account.

0 comments:

Post a Comment