Tuesday, May 31, 2022

Baby Talk ni Andrea Brillantes Ginawan ng Parody ng mga Netizens

Views

Larawan mula sa Tiktok ni Marky Mark Cruz

 

Pagkatapos naging laman ng isyu ang young actress na si Andrea Brillantes dahil sa tweet niya tungkol sa 31m na sumoporta sa Uniteam at pati na rin sa isyu sa kanya na lumala pa dahil sa sinundan ito ng mga fake tweets na gawa-gawa lamang ng mga netizens upang maspag-usapan pa siya ay talaga naman nitong buwan ng May ay laman siya ng socmed. 

Dahil halos pawala na rin ang mga binabatong isyu sa kanya at kumalma na rin ang mga tao at natigil na rin ang mga gumagawa ng fake tweets tungkol sa kanya dahil na rin sa tulong ng kanyang management dahil sa babala nila na aaksyunan nila ang gumagawa at nagpapakalat ng fake tweets ni Andrea Brillantes kaya naman kahit papaano ay naging kalma na ang mga isyu sa young actress. 

Pero ngayon isa na namang bidyo ang kumalat, nag-viral at naging usapin sa social media na para sa ibang netizens ay ‘di kaaya-aya o di kaya’y ‘di na bagay sa kanya dahil umano’y hindi na bata itong si Andrea Brillantes.

Larawan mula sa Tiktok ni Marky Mark Cruz

Larawan mula sa Tiktok ni Marky Mark Cruz

Naging laman kasi ng mga social media platforms dito sa pinas ang bidyo na kung saan nag-ba-baby talk itong si Andrea Brillantes habang namimili at kasama niya ang kanyang boyfriend na si Ricci Rivero sa Siargao.

Mayroon natuwa, nababagayan at mayroon din namang hindi natuwa at ikinakahiya nila ang ginagawang baby talk ni Andrea, kaya naman todo pagtanggol kay Andrea ang mga fans nito na para sa kanila ay cute at nakakatuwa at bagay naman daw sa kanya. 

Pero para sa ibang netizens ay hindi na ito bagay kay Andrea dahil masyadong pabebe ang kanyang ginagawa at sa katunayan ay ginawa pa nila itong katatawanan at ang ilan ay ginawan pa ng parody tulad na lang ng parody na ito na umabot pa ng 2M views ang bidyo. Panoorin!


Loading...

Share this article to your social account.

0 comments:

Post a Comment