Wednesday, June 1, 2022

Sweet Moment ni Andrea Brillantes at Ricci Rivero Nakuhanan ng Bidyo ng Isang Netizen

Views

Larawan Mula sa TT ni @Russelouise.143

 

Sa isang relasyon, bukod tanging nakakaalam sa ugali ng bawat isa ay walang iba kundi kayong magkarelasyon, kahit ano pa man ang sabihin ng iba o nakakarami ay ang papaniwalaan mo pa rin ay ang nakakasama mo at kilala mo ang totoong ugali at dedma na lang sa mga sinasabi ng iba dahil kampante ka at kilala mo yung taong pinili mo maging karelasyon. 

Kaya siguro sa mga may karelasyon diyan, kahit ano pa mang sinasabi ng mga kaibigan, kapamilya, kamag-anak o kakilala ay at nanatili ka pa rin sa piling ng iyong karelasyon ay dahil walang nakakakilala sa totoong ugali ng karelasyon mo kundi ikaw lang din kaya naman kahit ano pa man ang sinasabi ng iba hanngat mahal mo siya at may pinanghahawakan ka pa ay mananatiling matatag ang relasyon niyong dalawa. 

Gaya na lang siguro ng relasyon ni Andrea Brillantes at Ricci Rivero na hindi tanggap ng ilan dahil hindi raw umano sila bagay at masyado raw pabebe at childish si Andrea Brillantes, pero kahit ano pa man ang ibato sa kanila ay nanatili pa rin silang masaya at hanggang ngayon naman ay wala pa silang nagiging isyu sa relasyon nilang dalawa. 

Larawan Mula sa TT ni @Russelouise.143

Larawan Mula sa TT ni @Russelouise.143


Napapansin daw kasi ng mga netizens sa mga bidyong kumakalat na kung saan magkasama silang dalawa ay hindi raw sweet itong si Ricci at sa tuwing magkasama pa sila ay para raw nakakabatang kapatid nito si Andrea Brillantes at marami ring nagsasabing ikinakahiya raw ni Ricci ang pagiging childish o pag ginagawa ni Andrea ang baby talk  niya. 

Yung isang nag-viral kasi na bidyo na kung saan makikitang nag-ba-baby talk si Andrea Brillantes habang namimili sa Siargao ay mapapansin daw na parang nahihiya raw itong si Ricci Rivero sa pinag-gagawa ni Andrea Brillantes kaya naman iniisip ng ibang netizens na hindi rin magtatagal ang relasyon nilang dalawa kasi never pang may kumalat na bidyo na kung saan sweet itong si Ricci kay Andrea. 

Ngunit nito lang ay may kumalat na bidyo na kung saan makikitang may sweet side din itong si Ricci na nakuhanan ng bidyo ng isang netizen habang naglalambingan silang dalawa sa Siargao. Kaya naman sa mga nagsasabing hindi sweet si Ricci kay Andrea na para bang ginagamit lang niya ito ay ito na ang patunay na sweet talaga itong si Ricci kay Andrea. Panoorin an naturang bidyo. 


Loading...

Share this article to your social account.

0 comments:

Post a Comment