Sunday, May 15, 2022

Manager at Management ni Andrea Brillantes Pinaghahanap ang Nagpapakalat ng Fake Tweets

Views

Larawan mula sa IG ni Andrea Brillantes

 

Dahil sa naging usapin ang mga controversial tweets ng young actress na si Andrea Brillantes patungkol sa kanyang kinuwestiyon ang utak ng 31M na mamamayan ay kasunod naman nito ang sunod-sunod na pambabatikos sa young actress dahil daw umano sa padalos-dalos na tweet nito na hindi man lang inisip ang sasabihin ng majority sa mga Pilipino. 

Bagamat nanindigan ang young actress sa mga sinabi niya hindi pa rin maitatangging apektado na ang young actress at kanyang management dahil kapansin-pansin din ang pagbura ni Andrea Brillantes sa kanyang controversial na tweet dahil dito halatang napayuhan si Andrea Brillantes ng mga taong nasa likod niya na mali talaga ang kanyang tweet na kuwestiyunin ang mga utak ng nakakarami. 

Isang matinding problema rin ang kinakaharap ng young actress at kanyang management dahil sa mga fake tweets na kumakalat at talaga namang nakakasira sa imahe ng actress ang mga tweets na tila ba pinu-provoke ang mamamayang pilipino at hindi ito makakabuti sa career ng actress dahil malaking posibilidad na mawalan ito ng mga product endorsement at magsi-atrasan ang kasalukuyang iniindorso niya. 

Isa rin kasing fake tweet ang kumalat na wag daw siya ihalintulad kay Kitty Duterte dahil marami raw ang pagkakaiba nila at sa tweet na yun ay may edited na reply si Kitty Duterte na oo raw malaki ang pagkakaiba nila dahil si Kitty daw ay walang b***, dahil sa edited at fake na tweet na ito ay umingay lalo ang pangalan ni Andrea Brillantes na kung saan binara siya ni Kitty Duterte ang akala naman ng karamihan ay totoo ang naturang fake tweet.

Nilinaw naman ni Kitty Duterte sa isang Facebook page na may halos 1M followers na wala raw siyang public twitter account at hindi raw siya naka-android dahil android ang ginamit pang tweet sa mga fake tweets na kumakalat.

Larawan mula sa FB page na Kitty Duterte


Larawan mula sa FB ni Glenda Dela Cruz


Naging dahilan din ang kumakalat na fake tweets upang mapansin ni Ms. Glenda Dela Cruz CEO ng Brilliant Skin si Kitty Duterte na marami ring nagsasabing palitan na si Andrea Brilliantes ni Kitty Duterte bilang endorser ng Brilliant Skin, nagpahayag naman si Ms. Glenda sa kanyang Facebook account na hahanapan niya ng paraan kung makukuha niya si Kitty Duterte bilang endorser ng Brilliant Skin pero hindi niya sinabi na papalitan si Andrea Brillantes.

Pinaghahanap naman ngayon ng Becky Aguila Artist Management ang gumawa at nagpapakalat ng fake tweets ni Andrea Brilliantes at pinaalalahanan na may kaso kaugnay dito. 

Larawan mula sa Aguila Artist Management 


Loading...

Share this article to your social account.

0 comments:

Post a Comment