Sunday, May 15, 2022

Ms. Glenda may Bago ng Endorser sa Kanyang Brilliant Skin Papalitan na nga ba si Andrea Brilliantes?

Views

Larawan mula sa FB ni Ms. Glenda Dela Cruz



Talaga namang pagdating sa negosyo lalo na ‘pag isang malaking negosyo na ang hawak mo, prioritize mo talaga ang mga suggestions ng mga taong tumatangkilik sa produkto mo dahil kung wala sila wala ka rin sa kinatatayuan mo at wala rin ang matagumpay na negosyo mo kaya naman ang mga suggestions ng mga taong ito ay mahalaga. 

Pero bilang CEO ng isang nang tagumpay na kompanya kagaya ni Ms. Glenda Dela Cruz na humaharap ngayon sa mahirap na pagpapasya dahil may kinakaharap na malaking isyu ang modelo ng kompanya mo at marami nang naiinis sa endorser ng produkto mo at nais nilang palitan mo ito ano kaya ang gagawin mo?

Nahaharap kasi ngayon ang young actress na si Andrea Brilliantes sa malaking isyu pagkatapos ng ilang tweets nito na kumalat sa sa socmed at ang malala pa ay sinabayan ito ng mga gawa-gawa lamang tweets na kung saan edited ang mga ito upang ma-provoke ang mga netizens.

Dahil dito maraming netizens ang nag-su-suggest na palitan na ang endorser ng Brilliant Skin dahil nakakasira daw ito sa imahe ng kompanya at mga netizens naman ay kanya-kanya ng suggestions kung sino ang babagay sa bagong mukha ng Brilliant Skin. 

Nag-aalala na kasi ang CEO na si Miss Glenda dahil sa comment section ng mga post niya sa socmed ay talaga namang maraming nagsasabing palitan na si Andrea Brilliantes at may nakita pa siyang comment na pinagsisira ang mukha ni Andrea Brilliantes sa packaging ng Brilliant Skin kaya naman na alarma si Ms. Glenda at sa katunayan ay ipinost pa niya ito na wag naman daw sana umabot pa sa ganun. 

Larawan mula sa FB ni Miss. Glenda Dela Cruz



Isa sa mga nag-viral na post ay ang inihambing ang imahe ni Kitty Duterte kay Andrea Brilliantes na kung saan inilagay din sa packaging ng Brilliant Skin ang mukha ni Kitty Duterte at maraming netizens naman ang nagsabing masbagay kay Kitty ang edited na Brilliant Skin packaging. 

Dahil sa bagay nga ang picture ni Kitty sa packaging ng Brilliant Skin ay minabuti ni Ms. Glenda na ma-reach out si Kitty Duterte at alukin ito na kung pwede siyang kunin bilang product endorser ng kanyang kompanya. 

Malalipas lamang ang ilang araw ay nag-post si Ms. Glenda sa kanya personal FB account na kung saan ipinapahayag nito na may bago na siyang product endorser sa kanyang Brilliant Skin dahil umano sa request na rin ng nakakarami pero may twist ang post niya dahil hindi pa niya ipinapakilala kung sino ang bagong mukha ng kanyang Brilliant Skin. Sino kaya sa tingin niyo ang bagong mukha ng Brilliant Skin? Hindi naman sinabi ni Ms. Glenda na tatanggalin na niya si Andrea Brilliantes. 

Larawan mula sa FB ni Ms. Glenda Dela Cruz


Loading...

Share this article to your social account.

0 comments:

Post a Comment