Saturday, May 21, 2022

Nadine Lustre, ibinuking ng kanyang dating kaklase tungkol sa ibinebenta niya noon na scam daw at hindi totoong nagiging Pokemon

Views

Photo: Nadine Lustre Instagram

Kamakailan ng maging usap-usapan sa social media ang tila tweet ng dating kaklase ni Nadine Lustres sa elementary na kung saan ay ibinuking si Nadine Lustre.

Marami nga ang nagsasabi na talaga naman ang elementary at high school life ang isa sa pinaka masaya sa pagdadaanan natin sa ating kabataan.

Photo: Nadine Lustre Instagram

Isa na nga ang actress na si Nadine Lustre ang naka-experience na ng isa namang talagang nakakatuwa na pangyayari sa kanya noong siya’y elementary.

Photo: Nadine Lustre Instagram

Base kasi sa tweet ng dating kaklase ni Nadine, nagbebenta raw si Nadine noon ng kisses na parang sago at ang sabi ni Nadine ay nagiging Pokemon ang mga ito.

Ngunit sabi nung kaklasi ni Nadine na bumili sa kanya ay hindi naman daw naging Pokemon ang kanyang biniling Kisses, bumili siya dahil siya’y Pokemon lover.

Photo: Nadine Lustre Instagram

Sabi pa nga ni Paolo na naglaglag kay Nadine eh nawalan na siya ng contact kay Nadine noong nawala na siya sa school nila.

At sinabi rin niya na baka imposible na, na magkita ulit sila dahil nga talaga namang busyng-busy ang actress sa kanyang buhay, nasabi rin ni Paolo na malabo na rin niya masingil si Nadine sa Kisses..

Photo: Nadine Lustre Instagram

Dagdag pa nga ni Paolo na mas gusto ni Nadine nakikisalamuha sa kanilang mga lalaki si Nadine at talaga naman daw mabait ang actress.

Depensa ni Nadine:

Photo: Nadine Lustre Instagram

Nalaman lang daw ni Nadine ang katotohanan tungkol sa kisses na kanya ngang binebenta nuon, nuong siya’y grade 6 na.

Biro pa nga ng actress na hindi lang daw pala siya ang na-scam nung kisses na ‘yun kaya naman talagang natawa ang actress sa tweet na ito ni Paolo.
Loading...

Share this article to your social account.

0 comments:

Post a Comment