Monday, May 23, 2022

Kris Aquino Ihinahabilin na ang mga Anak sa Kanyang mga Kapatid Bakit Kaya

Views
Larawan mula sa IG ni Kris Aquino


Talaga namang palala nang palala ang iniindang karamdaman ng the “Queen of All Media” na si Kris Aquino dahil sa mga balitang kanyang ibinabahagi sa mga fans niya at sa mga taong sinusubaybayan siya. Matatandaang biglaang bumagsak ang pangangatawan ni Kris at kitang kita naman ito dahil sa sobrang payat na niya at hindi naman niya itinatago ang kanyang karamdaman. 

Sa katunayan last week ay kanyang ibinahagi ang latest diagnose sa kanya ng mga doktor na mayroon siyang Chronic Spontaneous Urticaria, Autoimmune Thyroiditis at late stage 3 of Churg Strauss Syndrome or inflammation of blood vessels at ito ngayon ang nagpapahirap kay Kris Aquino. 

Larawan mula sa IG ni Kris Aquino

Matatandaan din na ipinahayag ni Kris dati na umaayos na ang kalagayan niya ngunit nito nakaraan ay hindi siya naging maramot sa latest diagnosed sa kanya at ito na nga ay maslalo pa palang lumala ang kanyang karamdaman. 

Sabi pa ni Kris sa kanyang pahayag na "Mula end of April, we found out life threatening na yung illness ko [Since end-April, we found out that my illness is life threatening]... They are all worried about organ damage in my heart and in my lungs," Ito ay sinabi niya sa kanyang IG post.  

Dahil mahal na mahal ni Kris Aquino ang kanyang mga anak at hoping siya na makapag-travel sa Houston, USA sa lalong madaling panahon napapabalitang sinabi niya na ihinahabilin niya sa kanyang mga kapatid ang kanyang mga anak habang ito ay nagpapagamot sa ibang bansa. Panoorin ang bidyo ukol dito.


Loading...

Share this article to your social account.

0 comments:

Post a Comment