Friday, May 27, 2022

Pokwang Hindi Alam na Nag-la-live Pala ang Kanyang Anak sa Kanyang IG, Netizens Aliw na Aliw

Views

Larawan mula sa IG ni Pokwang

 

Talaga namang ang bilis bilis ng panahon ang dati’y baby na si baby Malia O’Brian na anak ni Pokwang ngayon ay 4 years old na at dahil sa ganitong edad ay talaga namang dito na nagsisimula ang pagiging ma-explore, matanungin at makulit na ang isang bata. 

Sa ganitong edad kasi ay napagtatanto na ng mga bata na sila ay separate individuals na from their parents kaya naman dito ay nagsisimula na sila mag-isip at nagsisimula na rin sila magpasya ng gagawin nila at dito na rin magsisimulang magkaroon sila ng mga gusto at ayaw nilang mga bagay o mga ginagawa. 

Sa ganitong mga edad ay nagiging playful na sila at nagsisimula na rin silang magsalita kahit mag-isa lang sila dito na kasi na-de-develop ang language skills nila kaya mapapansing madaldal at makulit ang mga bata kapag ganitong edad na. 

Larawan mula sa IG ni Pokwang

Larawan mula sa IG ni Pokwang

Kaya naman sa ganitong mga edad na masusubok ang mga parents lalo na ang mga nanay na siyang nag-aalaga kadalasan sa mga anak, dito kasi masusubok ang tatag, tiyaga at pasensya dahil sa ganitong edad talaga makukulit ang mga bata kaya naman habaan pa ang pasensya dahil gaya natin dumaan din tayo sa pagkabata.

Gaya na lang ngayon ng anak ni Pokwang na 4 years old na at aliw na aliw ang mga netizens sa kanyang ginawa, habang may inaasikaso kasi si Pokwang ay hindi niya namalayang ginagamit na pala ng kanyang anak na si Malia ang kanyang smartphone at Instagram.

Hindi naman alam ni Pokwang na ang gagawin pala ng kanyang anak ay gagamiting ang kanyang IG account at tulad ng mga napapanood sa Youtube na mga vloggers, ginawa ni Malia ay nag-live sa IG ni Pokwang at nagsimulang magsagawa ng parang ginagawa ng mga vloggers na nag-la-live at nagsasalita para sa content nila, kaya naman tuwang tuwa ang mga netizens sa ginawa ng anak ni Pokwang habang naka-live. Panoorin ang bidyo at reaksyon ni Pokwang nang malaman na naka-live na pala sila.

Loading...

Share this article to your social account.

0 comments:

Post a Comment