Sunday, June 5, 2022

Andrea Brillantes Pinatunayang Hindi Puro Baby Talk ang Alam Naglinis ng mga Kalat sa Beach ng Siargao

Views

Larawan mula sa IG ni Andrea Brillantes

 

Hindi nakakawala ang pangalan ni Andrea Brillantes sa mga malalaking isyu nitong mga nakaraang buwan lalo na noong nag-tweet siya tungkol sa hinahanap niya ng utak ng 31M na mga Pilipino na kung saan naki-isa sa Uniteam, ito na siguro ang pinakamalaking pagkakamali ni Andrea Brillantes sa taong 2022 dahil kung totoosin napakaraming bilang ang 31M na mga Pilipino na para na ring ininsulto mo at hinahanapan mo ng utak dahil lang sa magkaiba kayo ng pananaw. 

Dahil diyan maraming na-trigger na mga netizens kaya naman simula noon ay naungkat pa ang mga dati pang isyu ni Andrea Brillantes gaya na lang ng isyu niya kay Francine Diaz na kung saan nanugod daw itong si Andrea Brillantes at isa pa riyan ay ang mga isyu na kung saan kumalat ang mga fake tweets na kung saan binara siya ni Kitty.

Pero lumilpas din ang panahon at nawawala rin ang isyu pero naging big deal naman nitong nakaraang linggo ang viral na bidyo ni Andrea Brillantes na kung saan para sa iba ay hindi nakakatuwa, viral na viral kasi ang bidyo ni Andrea Brillantes na kung saan nag-ba-babay talk ito habang namimili sa Siargao bagamat cute ito para sa kanyang mga fans pero para sa iba lalo na yung 31M na mga Pilipino ay hindi ito cute kaya naman kumalat na rin ang mga parody na kung saan ginawa itong katatawanan. 

Larawan mula sa IG ni Andrea Brillantes

Larawan mula sa IG ni Andrea Brillantes

Larawan mula sa IG ni Andrea Brillantes


Pati na si Cristy Fermin ay hindi na rin nakataiis at sa kanyang show na Cristy Fermin ay naging hot topic siya na nagmistula raw sugar mommy dahil napapabalitang siya raw gumastos lahat ng trip nila ng kanyang jowa na si Ricci Rivero sa Siargao at sobrang selosa raw nito dahil takot daw maagas sa kanya si Ricci, parang hindi na raw ma-control ang young actress sa mga ginagawa niya na ikakasira ng kanyang imahe. 

Pero sa kabila ng mga isyung kinakaharap ng young actress mistulang positive pa rin siya at di siya nagpapaapekto sa mga isyung ibinabato sa kanya basta masaya siya wala siyang kailangang ipaliwanag, sa katunayan hindi lang naman pagpapa-baby talk ang alam niya dahil sa recent post niya sa kanyang IG ay gumawa ng maganda ang young actress kasama ng kanyang mga friends dahil nagsagawa sila ng paglilinis sa beach ng Siargao na kung saan umani ng mga magagandang papuri sa kapwa artista at mga netizens. 


Loading...

Share this article to your social account.

0 comments:

Post a Comment