Sunday, June 5, 2022

Kitty Duterte Pumunta sa Siargao at Binisita ang Bagong Shop ni Andi at Philmar

Views

Larawan mula sa Tiktok ni @Windinthedoves

 Bumisita pala si Kitty Duterte at ang kanyang mga kaibigan sa isla ng Siargao, hindi naman inakala ni Kitty na sikat na sikat pala siya roon kaya naman tuwang tuwa siya nang mabisita niya ang napakagandang isla ng Siargao, may event din kasi doon kaya isa rin ito sa pakay nila kaya sila bumisita bukod sa magandang beach ng Siargao. 

Dahil kilalang taga rito ang sikat na sikat na vlog channel na Happy Islanders na kung saan YT channel ito ni Andi Eigenmann at si Philmar at pati mga anak nila ay napag-alaman namin na fan na fan pala si Kitty ni Andi at si Philmar dahil madalas daw umano panoorin ni Kitty ang mga vlog nila kaya naman hindi pinalagpas ni Kitty at ang kanyang mga kaibigan na bisitahin ang shop nina Andi ay Philmar. 

Talaga namang ikinagulat ni Philmar nang makita si Kitty sa personal para mag-chill sa kanilang shop dahil para kay Philmar ay isang malaking karangalan ito para sa kanya, kaya naman naging speechless ang naging reaksyon nito nang makita sa personal si Kitty. 

Larawan mula sa Tiktok ni @Windinthedoves

Larawan mula sa Tiktok ni @Windinthedoves

Larawan mula sa YT Channel Latest Scoop


Nasaktohan din kasi ang pagbisita nina Kitty sa shop nila Philmar at nagkataong that time ay si Philmar ang nagbabantay ng shop kaya naman todo asikaso si Philmar sa anak ng pangulo at sa mga kaibigan nito.

Hindi naman pinalagpas nina Kitty na hindi bumili ng coffee drinks sa shop nila kaya naman tuwang tuwa ang Happy Islanders dahil karangalan ito sa kakabukas lang na bago nilang shop kaya naman habang nag-chi-chill si Kitty ay maraming nakipag-picture sa kanya. 

Hindi pinalagpas ni Kitty at ang kanyang mga kaibigan ang mga pwedeng pasyalan sa isla ng Siargao dahil base sa mga Tiktok post ng kanyang mga kaibigan ay masayang masaya sila sa mga lugar na napupuntahan nila sa Siargao. Panoorin ang bidyo para sa iba pang detalye ng pagbisita ni Kitty sa Siargao. 


Loading...

Share this article to your social account.

0 comments:

Post a Comment