Sunday, June 12, 2022

Makagago, sinopla si Pastillas Girl at may ilalabas daw tungkol sa babae ni Flow G

Views

 

Larawan mula kay: Makagago at Pastillas

Kahapon lang nung mag-viral sa social media ang tila post ni Mark Jason aka Makagago sa kanyang Facebook account na kung saan ay pinaparinggan nito si Pastillas Girl o Angelica Jane Yap.

Si Angelica Jane Yap ay ang jowa ni Flow G na isa rin sa member ng ExBattalion na kung saan ay member din dito ang ex ni Zeinab Harake na si Skusta Clee.

Larawan mula kay: Makagago

Kamakailan ay nabalita nanaman ang paghihiwalayang Zeinab Harake at Skusta Clee kaya naman talaga namang yumanig nanaman ang social media at naging laman nanaman ng chismis sina Zeinab at Skusta.

Matapos nga magkahiwalay nanaman ang dalawa ay napansin din ng mga netizens ang tila pag unfollow ni Zeinab Harake sa ilan sa kanyang mga dating kaibigan.

Larawan mula kay: Makagago

Isa na nga rito si Flow G at girlfriend nitong si Angelica Jane Yap o dating Pastillas Girl ng Showtime na itinapat noon kay Yaya Dub o Maine Mendoza.

Ngunit nito lang ay tila ba para raw nagpaparinig si Angelica Jane Yap kay Zeinab Harake matapos i-released ang bagong kanta ni Skusta Clee na “GAGA” na kung saan ang lyrics ay tila para raw talagang kay Zeinab Harake.

Larawan mula kay: Pastillas

Matapos yan ay doon na nagsimulang mag-post ng kung ano-anong istorya si Mark Jayson Makagago na kung saan ay tungkol daw sa babae ni Flow G na siyang boyfriend ni Angelica Jane Yap.

Nagbabala si Makagago kay Pastillas Girl na ‘wag masyadong magpakampante at makisali dahil alam daw niya ang kalokohan ni Flow G at ang sigurado raw siya ay mas maganda ito kay Pastillas Girl.

Larawan mula kay: Makagago


Loading...

Share this article to your social account.

0 comments:

Post a Comment