Friday, June 10, 2022

Skusta Clee Ginawan ng Kanta si Zeinab Harake Mensahe ng Kanta Puro Patama at Paninisi kay Zeinab

Views
Larawan mula sa IG ni Skusta Clee


Mukhang totoo nga ang kasabihang “once a cheater always a cheater” magpapatunay dito ang relasyon ni Zeinab Harake at Skusta Clee, dahil sino ba naman ang netizens na hindi nakakaalam sa on and off na relasyon nila at ilang beses na rin pinapatawad ni Zeinab Harake si Skusta Clee sa mga kasalanan at pangloloko na ginawa niya sa sikat na vlogger na si Zeinab Harake. 

Akala ng marami road to forever na sila nang magbunga ang kanilang epic comeback dahil nagkaroon na sila ng baby at maraming nakapansin na nagbabago na raw si Skusta Clee at matagal din na panahon na tahimik at maayos ang relasyon nila sa likod na kamera pero di naman natin alam kung ano mga nangyayari sa kanila kapag hindi kaharap ang kamera. 

Zeinab ang Skusta

Zeinab ang Skusta


Noong pinatawad kasi ni Zeinab Harake si Skusta Clee maraming mga fans ang umalma at tila ayaw na sila pagbalikin dahil ang ilang mga fans ni Zeinab ay kilala na ang ganyang ugali na kalaunan ay babalik din sa pagiging manloloko, pero dahil naman sa katagalan at wala naman masyadong isyu at tila okay na okay ang pagbabalikan nila lalo na’t ito ang mga ipinapakita nila sa socil media na happy family ay natanggap naman na sila ulit ng mga fans ni Zeinab at hoping na hindi na ulit gagawin ni Skusta Clee ang mga kasalanang ginawa niya kay Zeinab. 

Ngunit tila tama nga ang hinala ng mga fans na darating din ang araw na gagawin ulit ni Skusta Clee ang mga ginawa pa niya dati kay Zeinab Harake, dahil ngayong hiwalay na ulit sila wala namang sisisihin o masisisi kundi si Zeinab nang karamihan dahil sa pagiging marupok nito sa kadahilanang kahit ilang ulit na siyang niloloko ni Skusta Clee pinapatawad niya ito paulit-ulit. 

Ngayong hiwalay na ulit sila, may ginawa pa raw umanong kanta si Skusta Clee na kung saan sa kabila ng pagpapatawad at pagtanggap muli ni Zeinab Harake kay Skusta Clee ay nakuha pa niyang sisihin si Zeinab ayon sa mensahe ng kanta. Pakinggan ang kanta. 

Loading...

Share this article to your social account.

0 comments:

Post a Comment