Saturday, July 2, 2022

Paghihirap ngayon sa Buhay ng Isang Kris Aquino Pero Patuloy pa rin Nagpapakatatag

Views
Larawan mula sa IG ni Kris Aquino 

Hindi na kailangan pa ipakilala sa madla, ang isang Kris Aquino o Kristina Bernadette Cojuangco Aquino sa totoong pangalan. Sa sobrang kasikatan ng tinaguriang,queen of all media na si Kris Aquino, halos lahat ng netizens sa bansa ay kilala siya.

Si Kris Aquino ang bunso sa magkakapatid na Aquino. Kilala siya bilang transparent person, dahil siya yung klaseng tao na kahit ang pribadong buhay niya, ay ipinapaalam niya sa madla. Kaya naman, halos lahat ng nangyayari sa buhay niya ay alam ng nakakarami. Siya kasi ay masyadong vocal sa mga nangyayari sa buhay niya.

Larawan mula sa IG ni Kris Aquino

Larawan mula sa IG ni Kris Aquino


Katulad na lang ng magulong love life niya, problema niya sa health at marami pang iba, na talaga namang inaabangan ng mga tumatangkilik sa kanya. Isa kasing magaling na talk show host ang isang Kris Aquino, kaya naman, marami siyang mga nasasabing impormasyon na tiyak ikakabusog ng mga reporters at mga taong mahilig sa showbiz.

51 na ngayon si Kris, ipinanganak siya noong February 14, 1971 sa Quezon City, ang kanyang ama ay isang senador noong panahon pa ng mga Marcos. Sanggol pa lamang noon si Kris nang ipakulong ang kanyang ama kaya naman, lumaki siya sa kanyang ina mga kapatid.

Pagkatapos ng peoples power noong 1986, dito na nagsimulang mag-guest si Kris Aquino sa mga TV show, dito na rin nagsimulang mamulat sa showbiz ang isang Kris Aquino. Simula noon, marami na ring naging isyu si Kris sa Showbiz kaya naman, naging mabenta siya sa mga pahayagan, at dahil madalas siya pag-usapan, dito na rin mas lumawak ang kanyang kasikatan.

Larawan mula sa IG ni Kris Aquino

Larawan mula sa IG ni Kris Aquino

Nagkaroon siya ng relasyon sa aktor na si Philip Salvador noong 1994, at nagbunga ang kanilang pagmamahalan, at ito ang kanyang panganay na si Josh. Noong 2003 naman, ay nagkaroon siya ng relasyon sa komedyanteng si Joey Marquez, at talaga namang naging laman ito ng pahayagan dahil noong naghiwalay sila ay binigyan daw umano ito ni Joey ng nakakahawang sakit na S T D.

Noong July 2005, ikinasal naman si Kris sa basketball player na si James Yap, at pagkalipas ng dalawang taon, ay nagkaroon sila ng anak na si Bimby. Matatandaang noong 2010 ay naghiwalay din ang dalawa, at noong 2012 ay null and void na ang kanilang kasal. At sino ba naman ang makakalimot,sa pagkakalagay ni Kris sa isang matinding public scandal noong 2018, dahil sa alitan nila ng business manager na si Nicko Falcis.

October 2021 naman nang ihayag niya ang kanilang engagement sa dating DILG secretary na si Mel Sarmento, pero naghiwalay din sila bago matapos ang taong 2021. Sa kasalukuyan naman ay pilit nilalaban ni Kris ang kanyang mga karamdaman na isa rito ay ang auto immune disease.

Alang-alang sa mga nagmamahal sa kanya, gaya ng kanyang dalawang anak, patuloy pa rin nakikipag laban si Kris sa kanyang mga karamdaman. Tanong ng nakakarami kakayanin pa kaya ni Kris labanan ang kanyang mga karamdaman? Dahil sa bagsak na bagsak nitong timbang, maraming nagsasabing baka bumigay na si Kris.

Marami namang nagdarasal para maka recover si Kris. Wag kalimutang mag komento at ibigay ang inyong opinion sa topic na ito.

Loading...

Share this article to your social account.

0 comments:

Post a Comment