Saturday, July 2, 2022

Donnalyn Bartolome Nagsalita na Tungkol sa Claim ni Jose Hallorina, Napaiyak sa Huling Bahagi ng Bidyo

Views
Larawan mula sa FB ni Donnalyn Bartolome

Nito lang nang gisingin na naman ni Jose Hallorina ang dating isyu nila ni Donnalyn Bartolome, patungkol sa lola ni Donnalyn na si Nanay Josie.

Sa claim kasi ni Jose, at ayon sa post niya sa Facebook, at sa bagong content niya sa Youtube, ay panalo raw siya sa, ikinaso sa kanya ni, Donnalyn Bartolome.

Hindi na sana magsasalita pa si Donnalyn Bartolome, pero gagamitin nanaman daw ang kanyang pangalan para pagkakitaan. Kaya naman, minabuti niyang ipaalam sa mga netizens ang pakay ni Jose.

Sa post kasi ni Donnalyn sa Facebook, pagkatapos daw sabihin na panalo siya sa kaso, biglang hihingi ng donasyon?

Larawan mula sa FB ni Jose Hallorina


Matatandaang nagkaroon ng, alitan ang dalawang vlogger, ito ay dahil sa kapatid ng lola ni Donnalyn, na si Nanay Josie na sinabing pinabayaan daw siya na manirahan sa lansangan.

Kaya naman, noong ginawan ng content, ni Jose si nanay Josie, ay nakasira ito sa pangalan ni Donnalyn. Pero kalaunan, ay nalaman din ng mga netizens na si Nanay Josie ang kusang umaalis, at ilang beses na raw niya itong ginagawa.

Napilitan din na maglabas ng bidyo si Donnalyn na kung saan nagpapakita ng dahilan kung bakit madalas lumayas si nanay Josie, ito pala ay sa kanyang panlilimos ay nakakakuha siya ng 1k-3k a day. 

Pagkalipas ng ilang taon, muli na namang nabubuhay ang isyu na ito, dahil sa claim ni Jose na, natalo raw niya si Donnalyn, laban sa isinampa nilang demanda.

Larawan mula sa FB ni Donnalyn Bartolome

Larawan mula sa FB ni Donnalyn Bartolome

Sa post ni Donnalyn sa kanyang Facebook account para ipaalam sa netizens na, walang katotohanan ang claim ni Jose, kanyang sinabi na.

“Luh! baliw ka na, hindi naman kita dinemanda, paano moko matatalo sa korte? Kwentong barbero yarn?  balakajan koya. Mag content ka ng maayos wag puro panggagamit ng name ko po please.” 

Sa kasunod naman na update ni Donnalyn ay gumawa na siya ng bidyo upang masmaintindihan ng netizens ang nangyayari at kung paano gamitin ni Jose ang kanyang pangalan upang pagkaperahan. 

Loading...

Share this article to your social account.

0 comments:

Post a Comment