Friday, October 7, 2022

Pokwang Ibinahagi at Ipinasilip sa mga Netizens ang kanyang Pinapagawang Summer House

Views

Larawan mula sa IG ni Pokwang 

Bawat artista ay nagtatrabaho ng mabuti upang makuha nila ang mga pinapangarap sa buhay at hindi na mawawala riyan ang pagkakaroon ng maganda at sariling bahay. Karamihan sa mga sikat na artista ngayon ay nagsusumikap para magkaroon ng ipon nang sa ganun pagdating ng panahon na laos na sila ay marami na silang naipundar. 

Hindi lang naman ang pagiging sikat ang pinapangarap ng mga artista kundi maliban sa pagiging sikat ang pinaka-point na bakit nila gustong sumikat ay ang makapagpundar para sa kanilang mga pamilya o mabubuong pamilya. 

Larawan mula sa IG ni Pokwang

Larawan mula sa IG ni Pokwang

Isa na riyan ang komedyanteng si Pokwang na dahil sa sipag, tiyaga at diskarte sa buhay ay malayo na rin ang kanyang narating at marami na rin siyang naipon para sa kanyang mga anak. 

Dahil sa ipinamalas ni Pokwang na kasipagan sa buhay ay naging inspirasyon ito sa kanyang mga fans, dahil na rin sa mga pinagdaanan ng aktres bago niya makamit ang kanyang mga pangarap. 

Isa kasi sa mga pinapangarap ng aktres ay ang magkaroon ng rest house o summer house na ngayo’y matutuypad na dahil nagpapagawa na siya ng bahay sa Camaya Coast sa Bataan. 

Larawan mula sa IG ni Pokwang

Hindi naman ipinagdamot ni Pokwang na makita ng kanyang mga fans ang ipinapatayong bahay kaya naman sa pamamagitan ng kanyang IG ay ipinost nito ang bahay na ipinapagawa noong Sept. 26, 2022.

Larawan mula sa IG ni Pokwang

Larawan mula sa IG ni Pokwang

Matagal na raw niya itong investment para sa kanyang mga anak na na-delay dahil sa mga kaganapan nitong mga nakaraang taon. Kaya naman tuwang tuwa si Pokwang ngayon dahil sa wakas ay maipagpapatuloy na ulit. 


Loading...

Share this article to your social account.

0 comments:

Post a Comment