Friday, October 7, 2022

Jimmy Santos Proud na Ibinahagi ang Ginawang Pagsa-sideline sa Palengke

Views
Larawan mula sa YT ni Jimmy Santos


Isa sa mga pinaghahandaan ng bawat artista ay ang dumating ang panahon na mawalan na sila ng project sa showbiz at isa na ito sa dapat nilang tanggapin na balang araw ay darating at darating din at kailangang maging flexible at ihanda ang sarili para kung sakaling mawalan ka ng project ay may mapagkakaabalahan ka. 

Kilala bilang host si Jaime Santos o maskilala bilang Jimmy Santos sa noontime show na Eat Bulaga kasama niya rito ang mga batikang showbiz personality tulad nina Vic at Joey De Leon. 

Bago pa man nakilala si Jimmy bilang host ng Eat Bulaga ay nakilala na larangan ng basketball si Jimmy, dahil sa husy nito maglaro ng basketball ay hinangaan na siya noon pa bago siya tuluyang maging host at masnakilala pa bilang showbiz personality. 
Larawan mula sa YT ni Jimmy Santos

Larawan mula sa YT ni Jimmy Santos



Pero kapansinpansin na hindi na aktibo ang host at wala na rin siya sa Eat Bulaga, ngayong 69-anyos na siya ano kaya ang pinagkakaabalahan ng komedyante at TV-host na si Jimmy?

Ikinagulat ng ilang netizens na sikat pala bilang isang vlogger ngayon si Jimmy Santos at ito ngayon ang kanyang pinagkakaabalahan, at sa katunayan nasa 500k na ang kanyang mga tagasubaybay o subscribers sa Youtube kaya naman masnag-e-enjoy ngayon si Jimmy sa kanyang panibagong pinagkakaabalahan na kung saan hawak niya ang kanyang oras at masaya siya sa kanyang ginagawa. 

Sa katunayan para maging magansda ang bawat content ng vlog niya ay pati pagsa-sideline sa palengke at kanya na rin pinasok upang maipakita sa mga netizens kung papaano mag-trabaho sa palengke. Narito ang kanyang vlog, ating panoorin. 


Loading...

Share this article to your social account.

0 comments:

Post a Comment