Wednesday, December 7, 2022

H2WO, Naglabas na ng Hinanakit at mga Problema Tungkol sa Kaniyang Nanay at Pamilya

Views
Mika Salamanca/H2WO FB PAGE

Usap usapan ngayon ang post ng isang pro player ng Nexplay Evos na si John Paul Salinga na mas kilala sa pangalang "H2wO" matapos mag post ng mga screenshots ang binata patungkol sa pinansyal na isyu sa pagitan ng kanyang pamilya.

Dulot ito ng pag live ng kanyang Nanay na si Susana Campos Miranda sa isang sikat social media platform na Tiktok.

Na kung saan ay kilala siya sa pagbebenta ng mga bags at accessories sa pamamagitan ng online selling at TikTok live.

 Sa live ng kaniyang ina, tila ba' sinisiraan ang kaniyang anak at asawa dito. Sa kadahilanang binabaliwala at hindi na tinatrato bilang isang Ina at binebrainwash siya ng mga nakakasama niya sa kanyang pamunuhay. Idedemanda rin niya ang Financial Manager ng binata.

Nitong December 5, 2022 ay nag post si H2 ng kanyang personal na isyu patungkol sa Live ng kanyang 
Ina. 

H2WO FB PAGE

"Pinakamasakit na pwede ko gawin sa buong buhay ko

"Ang ilabas yung kwento ng family ko sa public

"Kailangan ko gawin kasi ang dami ng taong nadadamay, mga taong mahal ko at nirerespeto ko na hindi naman dapat madamay.''

Ayon sa kanyang post, pinakita niya ang screenshot ng pag uusap sa pagitan ng kanyang ina.

Simula November 2021 ay patuloy na nangungulit ang kanyang Ina na halos lahat ng kanyang menshase ay pang pinansyal na pangangailangan.

Panimula nito'y pangako ni H2wo na magbibigay siya sa halagang 25,000 pesos kada buwan. Subalit, nagkukulang parin ang halagang ito sa kanyang magulang.

Si H2wo na "Koy, o Kokoy" na bansag ng kanyang Ina ay sinubukang humingi ng mga resibo at pagbabudget kung saan napupunta ang mga perang pinapadala niya buwan buwan.

"Ma, next time po pwede ko po bang hingin lahat ng resibo? Para tansya ko po kung magkano po ipapadala ko sa inyo. Minamanage ko na po kase mga pumapasok at lumalabas na pera"

Ngunit ang sagot sa kanyang magalang na tanong 

"Utos ba yan ng ate mo"

H2WO FB PAGE

Dito'y nagkaroon rin ng hindi magandang ugnayan sa Ina at Ate ni H2wo at may sama ng loob ang kanyang Ina sa kanyang anak.

"Naiinis ako sa ate mo Koy, sasabig dibdib ko sa sama ng loob

"Baka gusto ng ama at ate mo sila tumira sa bahay mo Koy?

"Sige sa kanila nalang lahat. Bigay mo sa ama at ate mo"

H2WO FB PAGE

H2WO FB PAGE

Mayroon pang detalye sa screenshot na ang kanyang Ina ay mas pipiliin pang mabuhay mag isa sa kabukiran na kahit pa pinagawan na ito ng sariling bahay ng kanyang anak.

"Kapag sa bundok na ako nakatira, hindi mo na ako need bigyan ng allowance"

Bigkas ng kanyang ina sa chat

"Ma, bakit po kayo titira sa bundok e pinagawan ko nga po kayo ng bahay para komportable kayo?"

H2WO FB PAGE

Halo halo ang problema ng Ina ni H2 na kahit ang mga alahas at gadgets ay sinasanla bagamat sa kanyang anak niya ito pinapatubos.

Na kahit pa man ang Pro Player ay nasa kalagitnaan ng Mobile Legends Tournament, ay patuloy na nangungulit ito ng halagang 50,000 para sa gastusin at sa pagtagal ay umangat ito ng 100,000 hanggang 125,000

Nagpakita rin ng marahas na reaksyon ang kanyang Ina sa naging desisyon ni H2wo sa papaayos ng pinapagawang bahay. Dahil mas nais ng kanyang ina na kumuha na lamang ng isang hindi lisensyadong manggagawa.

"Huwag ka na magpadala ng tao dito"

"Patayin ko lang yan

Dagdag pa ay pinagkainitan naman kanyang Ina umano ang Finance Manager ng pro player,

"Mag live ako sa TikTok, sabihin ko bobo finance manager mo, hindi makaintindi, mga gunggong!

"Didimenda ko financer manager mo Koy"

H2WO FB PAGE



H2WO FB PAGE

Sa kahulihulihan, nagpahayag ang pro player ng kapatawaran sa mga nadamay at pasasalamat  sa mga umunawa at sumuporta sa kaniya sa kabila ng kaniyang mabigat na pinagdaanan mula sa kaniyang ina. Ipinagtapat din niya na lubos niya pa ring minamahal ang kaniyang ina at patuloy niya pa rin itong susustentuhan kahit na hindi naging maganda ang naging pakikitungo nito sa kaniya bilang anak.

Nandito ang ilang screenshot na galing kay H2WO nagpapasalamat sya sa kanyang Girlfriend na si Mika Salamanca dahil hinde siya nito pinapabayaan at lage sya nitong sinasalo sa lahat ng problemang kaniyang hinaharap.

H2WO FB PAGE

H2WO FB PAGE


"Pasensya na sa lahat ng nadamay, Sorry kase nasali kayo sa gulo na ito. 

"Kay tita ye at yawi, sorry hindi niyo deserve itong mga nangyayare at sobrang importanteng part kayo ng buhay ko.

"Pinaka gusto ko humungi ng tawad kay Mika, sa lahat ng issue ko ikaw sumasali at never ka nagreklamo.''

"Tanggap ka ng tanggap" -pasasalamat at pag hingi ng tawad ni H2 kay Mika.

Inulan naman ng kumento ang naturang post ni H2.

Iilan dito ay galit na galit sa Nanay nito at ang iba naman ay kumento galing sa kaniyang mga kaibigan katulad ni Tristan Cabrera o mas kilalang Yawi Esports.

H2WO FB  PAGE 

H2WO FB PAGE


Si John Paul Salonga o mas kilala sa pangalang H2WO ay isang sikat na Pro player ng Nexplay Evos at isa ding sikat na Youtuber, Content Creator.

 


Loading...

Share this article to your social account.

0 comments:

Post a Comment