Tuesday, December 6, 2022

Isang Babae Minaliit na Dapat Kukuha sa Kanyang Ninang Dahil “Crew” Lang Daw Siya

Views

 

Larawan mula kay: Kath

Alam naman na natin lahat na marami na ang nababalita na tungkol sa mga nanay na inuubliga ang kanilang mga kumare sa pagbibigay sa kanilang mga anak.

Halos taun-taon yata ay nagkakaroon ng ganitong issue dahil talaga namang nakasanayan na sa ating bansa ang pagkuha ng mga ninoing at ninang sa ating mga anak.

Larawan mula kay: Kath

Ngunit isa ito sa kakaiba sa mga nagva-viral na mga ganitong issue dahil ang istorya naman nito ay tungkol sa pamamaliit ng isang babae sa balak sana niyang kunin na ninang sa kanyang anak.

Larawan mula kay: Kath

Base sa convo na ipinost ng babae ay nasabi roon ng isang babae na balak daw sana siya kunin na ninang ngunit huwag na raw pala dahil ito’y crew lang pala sa isang restaurant.

Larawan mula kay: Kath

Ang akala raw kasi ng babae na balak kumuha sa kanya ng ninang ay sa office siya nagtatyrabaho, ngunit hindi naman pala at crew lang daw pala siya sa restaurant.

Larawan mula kay: Kath

Narito ang ilan sa convo nila:

“Pinagiisipan k pa naman n kunin kang ninang kasi akala ko maganda trabaho mo jan s abroad malaki sahod pero hindi pala,” sabi ng nanay.

“Kulang pa sayo sahod mo at hindi ka makapagpakimkim sa anak ko,” dagdag ng nanay.

“D kasi ako kumukuha ng ninang na di maganda ang work para kapag may need anak ko madali lang sila makakapagbigay,” sabi ng nanay.

Sinagot naman ito ni Kath at sinabing kawawa ang anak ng babae dahil ginagawang business ang pagkuha sa mga ninong at ninang na kanyang anak.

“Ginawa mo pang business yang anak mo. Kawawa sayo. Di ka sana nag-anak kung iaasa mo lang sa mga ninang/ninong ang pangangailangan ng anak mo,” sabi ni Kath.

Larawan mula kay: Kath

Ito naman ang caption ni Kath:

"AYAW KAY NINANG NA CREW.jpeg

Di ako mahilig magpost ng mga ganito, pero ang funny lang kasi kung paano ka mang-degrade knowing na UMAASA ka lang naman sa maibibigay ng mga future godmother/father ng anak mo. Kawawa sayo.

P.S Ayaw rin kitang maging kumare kasi wala kang pera"
Loading...

Share this article to your social account.

0 comments:

Post a Comment