Saturday, July 2, 2022

Jose Hallorina Ayaw Tantanan at Nilampaso raw si Donnalyn at Tinalo sa Kaso

Views

Larawan mula sa FB ni Jose at Donnalyn

 June 29, 2022, nang i-upload sa Youtube ng vlogger na si Jose Hallorina, ang bidyo  na kung saan tinalo raw ni Jose ang kasong inihain sa kanya ni Donnalyn at kanyang pamilya.

Matatandaang noong year 2019, ay nakilala ni Jose si Nanay Josie, na kapatid ng lola ni Donnalyn Bartolome, naging malaking isyu ito, dahil sa vlog na ginawa ni Josie, patungkol sa kuwento ng buhay ni Nanay Josie.

Sa kuwento kasi ni Nanay Josie, pinabayaan daw ito ng kanyang pamilya, at hinahayaang palaboy-laboy na lang sa lansangan, kahit na may kakayahan at mayaman naman sina Donnalyn.

Pero, taliwas naman ito sa kuwento ni Donnalyn, dahil si Nanay Josie naman daw ang palaging lumalayas, dahil gusto raw ni Nanay Josie na makasama na lang ang lalaking kanyang kinakasama, hindi naman daw nagkulang sa tulong sina Donnalyn kay nanay Josie.

Larawan mula sa FB ni Jose Hallorina

Larawan mula sa FB ni Jose Hallorina


Dahil sa vlog na ginawa ni Jose, malaking pinsala ang naidulot nito sa pangalan ni Donnalyn, dahil parang  sinasamantala raw ni Jose ang pagkakataon para  pagkaperahan ang isyu na ito, sa pamamagitan ng vlog.

To make long story short, sa bagong post at vlog ni Jose, kanyang ipinakita sa mga netizens na panalo raw siya sa kasong inihain sa kanya ni Donnalyn at pamilya nito.

Sa katunayan, binasa pa ni Jose ang resulta ng kaso na nakalagay sa isang sobre na, inilampaso raw niya si Donnalyn sa kasong inihain laban sa kanya. 

Pero taliwas ito sa sinabi ni Donnalyn, kasi never daw siya nagkaso against Jose dahil ang nagkasaro raw sa kanya ay ang mga anak ni Nanay Josie dahil sa patuloy na panggugulo nito sa pamilya nila at kay Donnalyn Bartolome. 


Loading...

Share this article to your social account.

0 comments:

Post a Comment