Friday, July 1, 2022

Kris Aquino at mga Anak Nito Nag-positibo, Kris Sinabing Hindi pa ito ang Katapusan ng Lahat

Views
Larawan mula sa IG ni Kris Aquino

Matapos ang ilang linggong walang update sa social media ng Queen of all media, na si Kris Aquino, ngayon ay may bago siyang balita sa kanyang mga fans at mga taga subaybay. Talaga namang nakakalungkot ang ibinalita ni Kris Aquino, patungkol sa dinanas niya at ang kanyang mga anak.  

Nag positibo kasi sila ng covid-19, sa kuwento ni Kris,  Nag positibo ang kanyang panganay na si Josh noong June 20. Sabi ni Kris.  “Kuya Josh tested positive on June 20, he was so unlike himself, he was just lying down, no energy to play or watch on his phone.  

Noong mga oras na yun, ay mahimbing na natutulog daw si Kris sa kanyang kwarto, pero nakakapagtakang ginising siya ng kanyang nurse. At doon na niya nalamang, positibo na pala ang kanyang panganay na si Josh. Sa una, hindi pa raw ito naintindihan ni Kris ang sinasabi sa kanya ng nurse, hanggang sa dumating si Bimby, at sinabing magsuot siya ng face mask.  

Larawan mula sa IG ni Kris Aquino

Larawan mula sa IG ni Kris Aquino

Nang dahil dito, agad umalis sina Kris at Bimby sa kanilang tinutuluyang bahay, at minabuting iwan muna si Josh sa pangangalaga ng mga nurse. Sabi pa ni Kris:  

“My instinct was to go, and hug kuya, but everyone told me, I needed to leave immediately and move to a hotel. Because I was severely immuno compromised, and being covid positive would mean ICU for me.”

 Ikinatakot rin ni Kris, ang lagay ng bunso, dahil asthmatic si Bimby. Malungkot na sinabi ni Kris na. 

“It was heartbreaking to leave kuya, I felt, I was abandoning him, in time of need.”

 Para maka sigurado si Kris, minabuti nila ni Bimby na sumailalim sa PCR testing.  Sa inisyal na test, ay nag negatibo ang resulta. Ngunit, makalipas ang ilang araw, ay sumama ang pakiramdam nila.  

“I asked nurse, Eloi to please check my temperature, because something was off. True enough, I had fever. I said to get the antigen test kit.”  

Larawan mula sa IG ni Kris Aquino

Dito na nalaman ni Kris na, positibo na siya sa Covid. Agad naman niyang, ipina-test si Bimby, at sa kasamaang palad ay nag positibo rin si Bimby.  Sa ngayon ay, nagpapagaling pa rin si Kris at mga anak niya, at patuloy na humingi ng prayers para sa kanya at mga anak nito.  

 Ano ang masasabi niyo, sa patuloy na paghihirap ni Kris, sa kanyang kalusugan? At pati mga anak niya ay humaharap na rin sa matinding pagsubok. Wag ka limutang ibahagi ang inyong opinyon at mag iwan ng comment sa comment section. 

Loading...

Share this article to your social account.

0 comments:

Post a Comment