Monday, October 10, 2022

Maswerteng Dalawang Nanay na Nakilala ni Angeline Quinto Biniyayaan Niya ng Maagang Pamasko

Views

Larawan mula sa YT ni Angeline Quinto

 

Talaga namang masnaging masaya ang mga fans ng mga artista ngayon dahil kung noon ay sa TV lang sila napapanood at hindi masyadong kilala ng mga fans ang totoong ugali ng kanilang mga iniidolo, ngayong may tinatawag na na vlog na kung saan masnapapanood pa madalas ng fans ang mga idol nila ay masnakikilala pa nila ng husto ang kanilang mga artistang iniidolo. 

Halos karamihan na kasi ng mga artista ngayon ay may mga vlog na rin dahil sa pamamagitan ngf vlog ay maslalo pang sumisikat ang isang artista at napapanatiling sikat ang mga ito sa tulong ng mga social media.

Kanya kanya namang diskarte ang mga artista upang ma-entertain nila ang kanilang mga fans at bukod sa nakapagpapasaya pa sila ng mga umiidolo sa kanila o mga taong sinusubaybayan sila ay sa pamamagitan ng vlog ay kumikita rin sila dito. 

Sa katunayan marami na ring mga artistang nag-full time na sa vlog at ito na rin ang pinagkakakitaan nila dahil talaga namang worth it ‘pag napalago mo ang iyong subscribers sa pamamagitan ng pag gawa ng quality contents kaya naman para-paraan sila sa pag gawa ng kanilang mga vlogs nang sa ganun ay makapagpa-viral sila, dahil ‘pag maraming views masmaraming kikitain. 

Larawan mula sa YT ni Angeline Quinto

Larawan mula sa YT ni Angeline Quinto


Isa na rin si Angeline Quinto sa mga artista o singer sa Kapamilya na matagal na rin nag-vo-vlog at sa katunayan ay may 1.3M na siyang subscribers kaya naman madali na lang sa kanya ang magkaroon ng maraming views at kumita ng malaki. 

Pero ang kagandahan naman sa pagkakaroon ng vlog ay naipapamahagi mo rin ang biyaya na natatanggapo mo dahil sa mga nanonood ng vlog mo, kaya naman dalawang ina ang maswerteng nabiyayaan ng maagang pamasko ni Angeline Quinto dahil ito ang naisip niyang gawan ng vlog ang mamigay din ng biyaya sa kapwa bilang pasasalamat. Panoorin ang vlog. 


Loading...

Share this article to your social account.

0 comments:

Post a Comment