Saturday, October 22, 2022

Moira dela Torre Sinupalpal ang Basher na Sinabihan siya ng Masasakit na Salita

Views

Larawan mula sa socmed ni Moira

 Hindi na mawawala sa mga bashers ang pangingialam sa mga artista at sa kahit anong pamamaraang masaktan nila ang damdamin ng artistang ayaw nila ay gagawin at gagawin nila dahil isa siguro ito sa mga dahilan para sumaya ang boring nilang buhay. 

Isa na riyan si Moira dela Torre na hindi rin nakatakas sa pamba-bash ng mga taong walang magawa sa buhay kundi mangialam sa buhay ng ibang tao. Ngunit sa kabila ng pamba-bash ng netizen na ito ay nagawa pa rin ni Moira maging classy sa kanyang responds sa basher. 

Sabi kasi ng basher kay Moira na kahit anong ganda raw ng isang babae at kung hindi ito magka-anak ay wala pa rin. 

Larawan mula sa socmed ni Moira

Larawan mula sa socmed ni Moira


Kaya sagot naman ni Moira na ikinahanga ng mga netizens dahil sa ganda ng kanyang sinabi, sabi kasi ni Moira sa basher ay hindi masusukat ang pagkababae sa pagkakaroon agad-agad ng anak, at hindi lang ang pag-aanak masusukat ang halaga ng isang babae dahil marami itong kayang gawin bilang isang babae, at choice nila yun kung kailan nila gusto magkaroon ng anak at pamilya. Narito ang buong pagkasabi ni Moira:

“sge ituloy ko po para sayo, bigyan narin ktang options teh parang nahirapan po kayo e…. "kahit anong ganda ng isang tao, pag hnd mag kaanak. maganda parin / hindi pa tamang oras / wala sa tamang tao / choice nila yon / wala kang pakialam. pangarap ko din maging nanay balang araw, pero marami tayong kayang gawin bilang baba hindi lang pagaanak kaya itigil mo yang pagsukat ng halaga ng mga babae sa kung kaya niya mag-anak o hinde hindi po maganda yan. goodmorning”

Larawan mula sa FB ni Moira

 

Loading...

Share this article to your social account.

0 comments:

Post a Comment