Friday, December 16, 2022

Netizens, Nagulat sa Biglaang Panganganak ni Solenn Heussaff

Views

 

Solenn Heusaff/Nico Bolzico IG

Kamakailan lang December 14, 2022,  kinompirma na ng asawa ni Solenn Heussaaff na si Nico Bolzico  sa kaniyang  Intsagram account na nanganak na daw umano ang kaniyang asawa

Celebrity dad na si Nico Bolzico nagbahagi ng kaniyang nakakatuwang paraan upang ipaalam sa lahat ang pagsilang ng kanilang pangalawang anak na babae ng kaniyang asawa na si Solenn Heussaff.

Solenn Heussaff  IG

Sa kaniyang pahayag sa naturang video, inihayag ni Bolzico na pasok ang Argentina sa darating na World Cup finals, na parang mas intiresado pa ito sa football  kaysa sa pagsilang ng kaniyang anak na babae.


Nico Bolzico IG

Ani Bolzico, sobrang saya niya daw noong araw na iyon  dahil nag qualified ang Argentina sa World Cup finals at sa kaparehong araw den ay nagsilang ang kaniyang asawa ng kanilang pangalawang anak na babae.

Aniya, ang pagka-silang ng kanilang anak na babae ni Solenn ay isang milyon na mas importante kaysa sa World Cup finals.

At kinompirma din ni Bolzico na ang second name ng kanilang anak na babae ay ''Lionel'' dahil sa isang sikat na Footballer na si Lionel Messi o mas kilalang Leo Messi, isang Argentina professional footballer at captain ng Argentina national team.

''I let her mama to introduce her later, but one thing is confirmed, her second name is ''Lionel''.

Nico Bolzico IG

Bagamat wala pang inilalabas na actual na imahe ng kanilang anak, masaya naman nitong sinabe na malusog at masaya naman si Solenn Heussaff sa pagsilang nito sa kanilang anak na babae.

''Wha a crazy day today, Argentina qualified to the final of the World Cup with messie playing a great game and we just have a super healthy baby girl,''

Solenn Heussaff IG

Solenn Heussaff IG

Si Solenn Heussaff at Nico Bolzico ay  i-kinasal noong May 21, 2016.

Si Solenn Marie Adea Heussaff-Bolzico ay Filipino actress, model at isa ding singer.

Siya ay isang official castaways of Survivor Philippines:Celebrity Showdown at umabot siya rito ng hanggang Final Three.

Solenn Heussaff IG


Loading...

Share this article to your social account.

0 comments:

Post a Comment